• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy Big Brother: Connect host Toni Gonzaga looks back on her 15 years of hosting PBB. 

Toni Gonzaga shares her top unforgettable moments in PBB

Pinoy Big Brother: Connect host Toni Gonzaga looks back on her 15 years of hosting PBB. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/23/2021 11:19 AM
Toni Gonzaga shares her top unforgettable moments in PBB
Photo credit: @celestinegonzaga Instagram

Even before social media started getting popular, Pinoy Big Brother: Connect host Toni Gonzaga said she has already gotten used to bashers.

Dun ko naman na-experience yung unang bashing online. Ang laki ng mukha. 15 years na malaki pa rin naman yung mukha ko. Wala na rin silang nagawa. Hanggang sa eventually nawala na. It’s also a common comment ng mga bashers or yung mga haters na scripted daw ang PBB, na everything that we are doing inside the house, pati yung mga housemates daw umaarte. Parang yun. Every season ganun.

“At first siyempre, bagong host pa lang ako, batang bata ka pa nun. Walang social media nung nag-start ang PBB eh in 2005. So nung time na yun. For me, hindi siya ganun nag-re-register sa akin kasi parang as a new host, hinahanap mo pa rin kung ano yung magiging stand mo. I’m sure lahat kaming mga hosts, na-experience namin ito. Yung sino ba ako as a host? Siyempre meron ka pang finding yourself along the way because I was 20 years old nung nagsimula. Hinahanap mo pa yung niche mo, hinahanap mo pa kung saan ka okay, kung saan ka comfortable. So hindi yun masyado naka-affect sa akin. Pero siyempre dun sa Pinoy Exchange makikita mo na rin, dun ka naman ma-ba-bash din,” she admits. 


READ: Toni Gonzaga, proud to be a PBB host for 15 years: ‘We are surviving and we are thriving’

READ: Bianca Gonzalez explains why Toni Gonzaga was not present at ‘PBB: Connect’ opening night

After being part of 15 seasons of PBB, Toni said she has tons of unforgettable memories and favorite moments.

Siguro yung top five, number one siguro for me was when dalawa yung bahay, kasi bilang host, naalala ko ako, Mariel (Rodriguez), Bianca (Gonzalez), kami pang tatlo dun yung talagang grabe yung hatian ng trabaho, yung switching ng bahay tapos hindi alam ng ilang housemates na may isa pang bahay. Akala naman nitong mga nasa kabilang bahay, sila lang yung bahay. Parang ang gulo ng format for us nung nagsisimula, inisip namin, ‘Paano kaya matatawid ito?

Tapos pangalawa siguro yung nag-exchange from Slovenia, parang wow bigatin. Wow dalawang Big Brother. Talagang amazed na amazed kami nun kasi pag nag-to-talk to housemates kami dun talagang pumunta dito yung sa Slovenia. Basta grabe. First time sa amin yun na may switching ng housemates.

“Number three siguro yung 100 seconds encounter nung bumalik si JB (Magsaysay) for Say (Alonzo). Balde balde yung mga linuha namin, akala mo naman, ang OA talaga ng mga iyakan namin nun. Akala mo talaga may pumanaw, ganun. Grabe talaga, ganun yung mga reaction namin,” she said.

Toni also counts her encounters with some of the country’s most prominent showbiz personalities as part of her PBB highlights.

“Number four siguro yung unang una na pumasok na celebrity. Yung season 1 lahat ng bigating artista pumasok sa PBB. Mang Dolphy, Vilma Santos, Kris Aquino, yung parang bago nerbiyusin yung mga housemates sa loob, ako yung ninenerbiyos sa lobby kasi ayun si Mang Dolphy pumapasok sa lobby tapos iinterbyuhin mo. First time ko din yun maka-encounter ng mga legends sa industriya nun because of PBB,” she added.