• Home
  • Fresh Scoops
  • Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, and Maui Taylor reveal past negative experiences with being a sexy star.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, and Maui Taylor talk about the stigma of being a sexy star

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, and Maui Taylor reveal past negative experiences with being a sexy star.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/23/2021 01:58 PM
Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, and Maui Taylor talk about the stigma of being a sexy star
Photo credit: @therealmauitaylor Instagram

Aminado ang mga bida ng pelikulang Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar na sina Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor na may stigma talaga ang pagiging sexy stars nila noon. Hindi raw maiwasang mahusgahan agad sila ng ibang tao, ng lipunang kanilang ginagalawan, at maging ng showbiz industry mismo.

Kuwento ni Maui, “Ako, I had a relationship na una, nagpa-sexy ako pero hindi natanggap, pangalawa, I was dating this guy and I was introduced to the mom. And I recall sinabi ng mommy na, ‘di ba ano siya, hooker sa club?’ What are you saying!?

“Parang alam mo ‘yun, na-shock ako kasi that’s how they looked at you pala. So yon ang experience ko sa guys I was dating na hindi natuloy kasi the parents were against. With other actors and actresses, wala naman akong ganu’n experience.”


Ayon naman kay Ara, “Stigma? Ano lang, pag kunwari nagso-show lang, yung tipong yung mga lalaki grabeng makatingin sa ’yo lalo na pag sexy ang suot mo. Pero pag kaswal lang o wala akong showbiz function, lagi akong naka-polo at pantalon.

“Kunwari, pag nagmo-mall ako sobrang balot ako, binabaligtad ko kasi nga gusto ko ipakita na trabaho lang ang ginagawa ko sa pelikula and so far wala naman bad experience.”

Hindi rin daw natanggap ng kanyang dating non-showbiz boyfriend ang pagpapaseksi niya noon sa pelikula.

“Nagkaroon ako ng non-showbiz boyfriend na hindi lang natanggap kasi hindi ako nagpaalam sa kanya noon, bigla na lang niyang nakita sa tabloid na naka-ganu’n (sexy pose at nakatakip ang kamay sa dibdib) ako, eh, hindi pa uso ang mga FHM magazine noon, wala pang Instagram kaya sa tabloid (cover). Na-shock lang sila kasi itinitinda sa street.

“Tapos since hindi pa ako nahahasang umarte, binansagan akong ‘ham actress.’ So tinanggap ko yon as constructive criticism, mas lalo akong na-challenge, ginalingan ko hanggang sa nagka-award ako,” patuloy na kuwento ni Ara.

Iba naman ang na-experience ni Rosanna dahil mismong kasamahan niya sa showbiz ang nangmaliit sa kanya.

“Pinakamahirap na stigma sa showbiz ay yung nasa loob na rin ng showbiz. Parang sinasabing, ‘Ay, wala namang alam gawin yan kundi maghubad.’ So naging mahirap para sa akin ang pagtawid... lalo na pag awards night, magaling ka naman pero hindi ka papanalunin kasi sexy star ka lang.

“Laging ganu’n kaya ang hirap bago ka nakatawid sa pagiging serious actress. Nakakarinig ako ng hindi maganda sa loob ng showbiz mismo.

Dumating din daw sa point na pinatulan niya ang isang senior star na nilait ang pagiging sexy star niya.

“Sabi niya, bakit daw ako ini-interview ng one-on-one? Bakit daw sila nu’ng in-interview magkakasama. Bakit daw ako binibigyan ng ganu’n spot, eh, wala naman ginawa yan kundi bumukaka.

“Ganu’n ‘yung term niya na tinandaan ko talaga. Parang siya lang yung magaling? Nu’ng nakarating sa akin yung sinabi niya, dinaanan ko sinabi ko sa harap niya, ‘Pasensya ka, panahon ko ngayon!’” pagre-recall ni Osang.

Samantala, masuwerte namang walang ganitong stigmang na-experience ang isa pang bida ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar na si Alma Moreno.

“Wala naman akong experience na binastos sa labas kapag namamasyal ako kapag kasama ko ang mga anak ko. Wala akong naramdaman na ganu’n.

“Pag nasa shooting kasi ako noon pag pa-sexy ako kasi ang youngest bold star noon o nasa labas ako. Na-maintain ko lang yung respeto. Iba kasi ako pagdating sa screen, iba naman pagdating sa personal kasi nakamaong ako, naka-t-shirt or polo kahit make-up wala ako. Hindi ako nakaramdam na bastusin ako. Wala naman akong nakaeksena na minaliit ako sa awa ng Diyos,” kuwento ni Alma.

Ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar ng Viva Films at VinCentiments ay palabas na simula January 29 sa VivaMax at mga sinehan. Kasama rin sa pelikula sina  AJ Raval, Rose Van Ginkel, at Ana Jalandoni, na kilala bilang isa sa mga Sexy Angels sa FPJ’s Ang Probinsyano.