• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni Aiko Melendez ang mga taong kumukwestiyon sa naging panayam niya kay Harry Roque.

Aiko Melendez, dinepensahan ang panayam kay Harry Roque: ‘Sumusunod po kami sa protocol’ 

Sinagot ni Aiko Melendez ang mga taong kumukwestiyon sa naging panayam niya kay Harry Roque.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/23/2021 02:26 PM
Aiko Melendez, dinepensahan ang panayam kay Harry Roque: ‘Sumusunod po kami sa protocol’ 
Photo credit: @aikomelendez Instagram

Nagsalita ang aktres na si Aiko Melendez kaugnay sa pambabatikos na natanggap nito mula sa ilang netizens matapos magpakuha ng litrato na walang suot na face mask kasama si Harry Roque. 

Bumisita kamakailan siAiko Melendez sa Malacañang upang makapanayam ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque para sa kanyang vlog. 


Kabilang umano sa mga isyung pinag-usapan nila ang parinigan sa pagitan nina Roque at komedyanteng si Vice Ganda at ang naging mainit na panayam ng Presidential Spokesperson sa beteranang broadcast journalist na si Pinky Webb. 

Matatandaang tinawag na clown ni Vice Ganda si Harry Roque kamakailan matapos kwestiyunin ang kredibilidad nito bilang isang komedyante dahil sa naging pahayag ng It’s Showtime host tungkol sa pagpapabakuna. 

READ: Aiko Melendez slams basher claiming she went under the knife to lose weight

Nag-trending naman ang “hair flip” ni Pinky Webb matapos sa panayam nito kay Harry Roque para sa programa nito sa CNN Philippines. 

“Oopps ... Bago niyo i-bash panuorin muna niyo ang interview ko sa kanya,” ani Aiko. Sec Harry Roque, sinagot niya ang issue about hair flip of Pinky Webb, ang issue ke Vice Ganda. Abangan niyo sa YouTube channel ko,” ani Aiko. 

Marami naman ang pumuna sa naging post ni Aiko kabilang na ang hindi umano pagsusuot ng face mask. Ani ng ilang netizens, lumabag umano ang 45 anyos na artista sa isa sa mga importanteng panuntunan na dapat sinusunod sa kalagitnaan ng pandemya. 

Depensa naman ni Aiko na ibinahagi ang litrato mula sa mismong panayam niya kay Harry Roque, tinanggal lamang nila ng kanyang partner na si Jay Khonghun ang kanilang masks sa mismong interview na. 

Zoom that picture, proof that we were all wearing a mask before the interview, I just had to take it off during the conversation, that white mask with gold chain holder kita na nakasabit sa akin,” saad niya. 

Dagdag pa ni Aiko, dumaan sila sa RT-PCR Test bago pumasok ng Malacañang. “And we had a swab test before going to Malacañang,” ani Aiko. 

Pagpapatuloy pa nito: “We also observed social distancing during the interview, magkalayo po kami ng upuan ni Sec. Harry Roque.” 

READ: From size 10 to size 6: How Aiko Melendez achieved weight goal

Ani Aiko, ginawa niyang magpaliwanag upang huminto na ang usap-usapan kaugnay dito. 

Saad niya: “#justsaying na sumusunod po kami sa protocol ... how can anyone think Sec. Roque will just allow us to go there without ensuring his safety di ba?” 

Samantala, wala pang eksatong petsa kung kailan lalabas ang buong panayam ni Aiko kay Harry Roque.