• Home
  • Fresh Scoops
  • Taong 2017 nang huling nagsama sa proyekto sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla sa Kapamilya series na ‘My Dear Heart’.

Zanjoe Marudo, Bela Padilla together again sa isang proyekto?

Taong 2017 nang huling nagsama sa proyekto sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla sa Kapamilya series na ‘My Dear Heart’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/22/2021 01:20 PM
Zanjoe Marudo, Bela Padilla together again sa isang proyekto?
Photo Credit: @onlyzanjoemarudo and @bela Instagram

Tila isang proyekto ngayon ang nakatakdang pagsamahan ng aktor na si Zanjoe Marudo at aktres na si Bela Padilla.

Sa Instagram story ni Zanjoe nitong Miyerkules, January 20, ipinasilip ng aktor ang isang script na may pangalan ni Bela Padilla


Photo Courtesy @OnlyZanjoeMarudo Instagram

“First Bubble for 2021 in 3, 2, 1” caption ni Zanjoe sa post.

Kung magkasama nga sa isang proyekto, ito ang tila reunion movie project ni Bela at Zanjoe na huling nagsama sa Kapamilya series na My Dear Heart noong 2017.

Matatandaan na sa huling proyekto ni Bela at Zanjoe, naging maugong ang pagmamabutihan umano ng dalawa na kalaunan ay nagtapos sa pagiging magkaibigan.

RELATED ARTICLE: Bela Padilla on Zanjoe Marudo: ‘Whatever should have happened didn’t siguro’

Sa panayam ng PUSH kay Zanjoe noong 2018 sa story conference ng pelikulang Fallback sa ilalim ng CINEKO Productions, sinabi ng aktor na mayroon nga silang pagkakaintindihan ni Bela ngunit bilang magkaibigan.

"Kami ni Bela magkaibigan talaga kami, naging close kami sa My Dear Heart kaya mayroon kaming pagkakaintindihan bilang magkaibigan," pahayag ni Zanjoe noon sa PUSH.

READ: Zanjoe Marudo, inamin ang real score sa pagitan nila ni Bela Padilla

Tulad ni Zanjoe, kaibigan lang rin umano ang naging pag tingin ni Bela noon sa kanilang pinagsamahan ng aktor.

Sa ngayon, hindi pa naman malinaw kung bibida nga si Bela sa proyekto o isa sa mga tatayong script writer ng nasabing proyekto.