• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Mocha Uson ang mga kumakalat na tsismis na nabuntis umano siya ni Robin Padilla.

Mocha Uson, nagsalita na: ‘Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel’

Pinabulaanan ni Mocha Uson ang mga kumakalat na tsismis na nabuntis umano siya ni Robin Padilla.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/22/2021 01:59 PM
Mocha Uson, nagsalita na: ‘Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel’
Photo Credit: @mochauson and @marieltpadilla Instagram

Matapos ang sunod-sunod na lumabas ang balita patungkol sa umano’y pagdadalang-tao sa anak nila ni Robin Padilla, nagsalita na ang dating singer at ngayo’y kawani ng gobyerno na si Mocha Uson upang pabulaanan ang aniya’y pawang tsismis lamang. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mochauson (@mochauson)


 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng dating leader ng girl group na Mocha Girls ang isang video kung saan makikita itong nag-woworkout habang naka-lunch break.  

Ani Mocha, nahihiya umano siya sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sa kumakalat na tsismis. 

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?  Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” ani Mocha. 

READ: Mariel Rodriguez addresses rumors about Robin Padilla allegedly getting Mocha Uson pregnant

Pagpapatuloy nito, sinisiraan lamang umano sila ni Robin dahil kilala sila bilang mga masusugid na tagasuporta ng administrasyong Duterte. 

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami,” saad ni Mocha. 

Sa huli, bumanat pa ito sa kampo ni Bise Presidente na si Leni Robredo at sinabing kaya umano kumakalat ang mga ganoong tsismis dahil “kulelat” ito sa mga nakaraang survey. 

“Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” ani Mocha. 

Matatandaang lumabas kamakailan ang isang blind item ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isang kontrobersyal na personalidad na nabuntis ng isang sikat na aktor. 

Paniwala ng maraming netizens, sina Robin Padilla at Mocha Uson ang tinutukoy ng nasabing blind item. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mochauson (@mochauson)

 

Pinabulaanan naman ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez ang mga kumakalat na balita. 

Nakiusap din ang dating Kapamilya TV host na tigilan na ang pagpapakalat ng nasabing tsismis dahil kasalukuyan umanong nagluluksa ang kanyang asawa sa pagpakamatay ng kapatid nitong si Royette.