Direk Lem Lorca, ipinaliwanag ang chemistry nina Kakai Bautista at Zoren Legaspi sa ‘Miss Q & A’

Kakaibang team-up ang makikita sa ‘Miss Q & A.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/22/2021 12:59 PM
Direk Lem Lorca, ipinaliwanag ang chemistry nina Kakai Bautista at Zoren Legaspi sa ‘Miss Q & A’
Screenshot from ilovekaye YouTube Channel

Excited at looking forward for positive reviews ang direktor ng upcoming movie na Miss Q & A na si Lem Lorca para sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang proyekto.

Kakaibang team up kung ilarawan ng movie director ang tandem nina Kakai Bautista at Zoren Legaspi na tiyak kagigiliwan ng mga manonood.

 


 

“Ang Miss Q&A ay kuwento ng isang romantically frustrated pageant trainer and public relations maverick played by Kakai Bautista who goes on a blind date with a handsome photographer played Zoren Legaspi. It’s a story about self-love and how they helped each other to recover and move on from the pains and insecurities brought about by falling in love,” kuwento ni Lem sa exclusive interview ng PUSH.

“Minsan, para matututo kang magmahal muli, kailangan mo munang unahing mahalin ang sarili mo” sabi pa niya.

Kasama ang mga ideas ng screenwriter na si John Bedia at producer na si Cris Cahilig, isang hugot sa pag-ibig ang bibigyang kulay ni Kakai at Zoren na first time magsasama sa for a lead movie project.

“We wrote this material with nothing but Kakai in mind. She’s a fantastic actress at bagay sa kanya talaga ang material. Hindi na niya kinailangan mag audition. We’re lucky to have her as our Kate,” sabi pa ng director.

Sa kabila ng pandemya ng COVID-19, blessing rin kung maituturing ng direktor at ng kanyang team na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang proyekto na matapos at maibahagi ito sa mga manonood.

“I hope na sana iba ang panahon, that we’re not locked inside our houses and able to enjoy what we used to do like watching movies sa mga sinehan. Dahil lahat ng pelikula ay pinaghirapan, may boses at mensahe na gustong sabihin and they all deserve to be heard and seen sa big screen at ng nakararami,” paliwanag ng direktor.

“At pag nabigyan ng pagkakataon na maipalabas ang pelikula, I want them to feel happy. I want them to be inspired by Kakai and Zoren’s characters sa pelikula. I want them to feel na kahit sino sila, anong itsura nila at anong pinagdadaanan nila, that there’s hope. Sabi nga ni Kate (Kakai) sa pelikula ‘Dapat lahat ng babae maniwala na Miss Universe sila with or without the Crown’ pabirong pahayag ni Direk Lem.

Target ng team ng Miss Q & A na maipalabas ang kanilang proyekto ngayong first quarter ng 2021.