• Home
  • Fresh Scoops
  • Dumipensa ang fans ni Dingdong Dantes laban sa tila ‘Fake News’ na ipinipukol sa aktor.

Dingdong Dantes, idinidiin sa buntis isyu; Fans, rumesbak

Dumipensa ang fans ni Dingdong Dantes laban sa tila ‘Fake News’ na ipinipukol sa aktor.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/22/2021 07:51 PM
Dingdong Dantes, idinidiin sa buntis isyu; Fans, rumesbak
Photo credit: @dongdantes Instagram

To the rescue ngayon sa social media ang fans club at mga taga suporta ni Dingdong Dantes para dipensahan ang aktor.

Kasunod ito nang naglalabasang negatibong balita laban kay Dingdong na nadidiin ngayon sa isang blind item na nailathala sa Philippine Entertainment Portal.

Sa nasabing blind item, sinasabing isang controversial actress ang nabuntis ng isang sikat na aktor kung saan ilang pangalan ngayon ang nadadawit kabilang na si Dingdong Dantes.


Sa pamamagitan ng Twitter handle na @Dingdongdantes_ isa isang binuweltahan nang nasabing fans club ang mga negatibong balita na ito laban sa aktor.

“Thank you to all people who still believe in Dingdong and Marian. The best kayo! ❤ Sorry if I made a mess in some parts, I was carried by my emotions. But there is one thing for sure, the issue about Dong is not true,” paglilinaw ng fans club ng aktor.

 

 

Naniniwala rin umano ang nasabing fans club na puntirya si Dingdong ng “Fake News” at biktima ng news manipulation nang mga taga suporta umano ni Mocha Uson.

“The rumor began with PEP. They made it clear that it's not Dingdong. But this Andrew Olivar, a friend of M, is producing fake details to contaminate the blind item, & these DDS b/vloggers got a chance to strike Dong inaccurately. People on Twitter are bright enough, think better,” ani ng Twitter handle ng fans club ni Dingdong.

 

 

"a friend of M", MOCHA, who is allegedly in a blind item of PEP (w/ Robin) Now u know how they manipulated Dingdong on the issues, to divert the attention. Nagpapaloko naman kayo. That Lindsay is a co-actor of him in Alyas Robin Hood, which aired in 2017. Y'all just want drama.”

 

 

Ayon pa sa twitter handle ng fans club, sa deleted social media post ng isang nag ngangalang Andrew Olivar nagmula ang pagtukoy umano kay Dingdong sa nasabing blind item. Si Andrew o Drew ay nasangkot na noon sa kontrobersiya dahil sa isang video kung saan tila nabastos ang deaf community sa kanilang panggaya sa sign language.

 

 

“Hello, what I meant is the clues are not for Dingdong. Our attention just diverts to him because a ‘not so influential’ person posted fake news about him,” pahayag ng fans ng aktor.

Bukod kay Dingdong, idinawit na rin sa buntis issue si Robin Padilla na agad pinabulaanan ng misis nito na si Mariel Rodriguez.

RELATED ARTICLE: Mariel Rodriguez addresses rumors about Robin Padilla allegedly getting Mocha Uson pregnant​

Sa ngayon, tila mas minabuti ni Dingdong na hindi magpaapekto sa mga pekeng balita na ibinabato laban sa kaniya at abala sa meeting ng kaniyang negosyo.

Video screen grabbed @Dongdantes IG STORY 

Si Dingdong ay anim na taon nang kasal sa aktres na si Marian Rivera at nabiyayan ng dalawang anak.