• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila nadala sa matinding eksena si JM De Guzman na nagtamo ng maliit na sugat sa kaniyang noo.

TINGNAN: JM De Guzman, sugatan sa shoot ng bagong Kapamilya series

Tila nadala sa matinding eksena si JM De Guzman na nagtamo ng maliit na sugat sa kaniyang noo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/21/2021 09:03 AM
TINGNAN: JM De Guzman, sugatan sa shoot ng bagong Kapamilya series

“This is entertainment.. but The hazards are real.”

Ito ang naging caption ng aktor na si JM De Guzman sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, January 20.

Dito, makikita ang isang sugat sa noo ng aktor sa video upload sa kaniyang social media.


 

 

Base sa video, nasa kalagitnaan ng shoot ng Init Sa Magdamag si JM kasama ang aktres na si Yan Concepcion.

Ang Init Sa Magdamag ay ang bagong Kapamilya series na handog ng ABS-CBN na pagbibidahan ni JM De Guzman, Yam Concepcion, at Gerald Anderson.