• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Bangkok, Thailand gaganapin ag Miss Grand International 2021.

Miss Grand International pageant, tuloy ngayong 2021

Sa Bangkok, Thailand gaganapin ag Miss Grand International 2021.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/20/2021 10:56 AM
Miss Grand International pageant, tuloy ngayong 2021

Unti-unti na ang ginagawang paghahanda ng isa sa mga inaabangang beauty pageant para sa nalalapit na coronation night, ang Miss Grand International.

Ang Miss Grand International ay ang Thailand-based beauty pageant organization na isa sa mga pageant title na ibinibigay sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated. 

 


 

Sa official post ng Miss Grand International sa kanilang mga social media platform, gaganapin ngayong March 27, 2021 sa Bangkok, Thailand ang pagpapasa ng korona ng reigning title holder na si Valentina Figuera ng Venezuela.

 

 

Sa inilatag rin na calendar of events, tatagal ng halos isang linggo ang pageant simula March 21 hanggang March 28, 2021.

Sa kasalukuyan, si Maria Andrea Abesamis ang may hawak ng titulo bilang Binibining Pilipinas Grand International.

 

 

 

Mainit rin ang usap-usapan na posibleng si Abesamis na mismo ang ipadala ng BPCI kasunod ng postponement ng Binibining Pilipinas noong 2020.

Sa ngayon, wala pang formal announcement ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa usaping ito.