• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida ang aktres na si Dimples Romana sa isang espesyal na episode ng ‘Maalaala Mo Kaya.’

Dimples Romana, bibida sa 'MMK'

Bibida ang aktres na si Dimples Romana sa isang espesyal na episode ng ‘Maalaala Mo Kaya.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/20/2021 06:57 PM
Dimples Romana, bibida sa 'MMK'

Bibida ang aktres na si Dimples Romana sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya.

Sa Instagram nitong Miyerkules, Enero 20, nagbahagi si Dimples ng ilang retrato mula sa kanilang "locked-in shoot" para sa nasabing episode na pangungunahan ng direktor na si Elfren Vibar.

"What a way to begin my work as an actor for 2021. First locked-in shoot for this year is with my MMK family!" ani Dimples.


 

 

"Na-miss ko lumuha! Can't wait for you all to see our work. Good night, beautiful world. Salamat, Lord sa pagpapahiram muli ng talento. Sleep na ako," dagdag pa niya.

Ani Dimples, makakasama niya sa nasabing episode ang mga aktor na sina Ketchup Eusebio, Gillian Vicencio, Izzy Canillo, Viveika Ravanes, at Michael Roy Jornales.

Taong 2018 nang huling bumida si Dimples sa MMK.

Kamakailan lamang ay bumida rin ang aktres sa sikat na palabas na Kadenang Ginto, kung saan nakasama niya sina Beauty Gonzalez, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Napanood din siya sa pelikulang Block Z, Enero noong nakaraang taon, kasama sina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ian Veneracion.