• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi ito ang unang pagkakataon na umugong ang mga bali-balitang nagkabalikan na raw di umano sina James Reid at Nadine Lustre.

James Reid at Nadine Lustre, nagkabalikan nga ba?

Hindi ito ang unang pagkakataon na umugong ang mga bali-balitang nagkabalikan na raw di umano sina James Reid at Nadine Lustre.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/02/2021 06:26 PM
James Reid at Nadine Lustre, nagkabalikan nga ba?
Photo Credit: @james and @nadinelustreofficial on IG

Almost one year mula nang napabalitang naghiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre ay umugong ulit ang kwento na nagkabalikan na raw ang dalawa.

Sa isang artikulong na nilathala ng Pep.ph nitong Bagong Taon, Enero 1, sinabi rito na kumpirmado na raw na nagkabalikan na nga ang JaDine.

Bagama't walang kumpirmasyon mula mismo kina James at Nadine sa nasabing report, aniya, ang malalapit sa dalawa ang nagkumpirma di umano ng pagbabalikan na ito na nangyari nitong panahon ng pandemya.


Dagdag pa ng artikulo, magkasama na raw sina James at Nadine sa bahay ng aktor sa Quezon City. Ang bahay na ito raw ang ipinagbibili noon ng aktor online ngunit hindi natuloy.

Maaalala na Enero rin ng nakaraang taon nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang breakup sa isang joint statement na ipinadala sa programang Tonight With Boy Abunda.

READ: Fans react to James Reid, Nadine Lustre breakup

"It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.

We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music. Thank you for all the JaDine fans for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future. We shall forever be grateful to them for their love and understanding. Thank you," sabi ng statement.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na napabalita na nagkabalikan na raw ang dalawa. Mayo ng 2020 ay nachismis din ang reconciliation nila matapos lumitaw ang ilan nilang larawan. Bagama’t hindi sila magkasama sa mga kuha na ito, ani ng mga netizens, parehong couch ang nasa backgrounds ng mga litratong uploaded sa social media. Dagdag pa ng fans, kuha raw ang mga larawang ito sa bahay ni James na dati rin daw tinirhan ni Nadine.

READ:James Reid and Nadine Lustre reportedly back together

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ng kumpirmasyon mula mismo kina Nadine at James kung totoo ngang sila na ulit.