• Home
  • Fresh Scoops
  • Batid ang kaligayahan ngayon ni Meryll Soriano sa pagdating sa kanila ni Joem Bascon ng bagong baby.

TINGNAN: Meryll Soriano, ibinahagi ang pregnancy journey

Batid ang kaligayahan ngayon ni Meryll Soriano sa pagdating sa kanila ni Joem Bascon ng bagong baby.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/19/2021 08:39 PM
TINGNAN: Meryll Soriano, ibinahagi ang pregnancy journey

Tila hindi maipailiwanag na kasiyahan ang nararamdaman ng aktres na si Meryll Soriano sa pag dating ng kaniyang bagong silang na baby sa aktor na si Joem Bascon.

Sa bagong Instagram post ni Meryll, ipinakita ng aktres ang pregnancy journey niya sa month old baby nila ng aktor.

 


 

“From egg to hooman. ūü§ć Mum & Dud Pregnancy Journey,” caption ni Meryll kalakip ang sampung retrato.

Makikita rin sa post ang iba-ibang reaksyon ni Meryll at Joem na tila ramdam ang excitement at pagmamahalan sa kanilang mga ngiti.

Unang araw nitong 2021, inilabas ni Meryll sa publiko ang kanilang anak ni Joem.

READ: Meryll Soriano at Joem Bascon, ipinakilala ang kanilang anak‚Äč

Samantala, mababatid naman na naka-deactivate ang comment button sa Instagram post ni Meryll na tila mas minabuti ang manahimik sa mga ibinabatong salita laban sa kaniya.

RELATED ARTICLE: ‘Nagsinungaling talaga siya noon’: Crisha Uy, naglabas ng saloobin kay Joem Bascon‚Äč

Matatandaan na nitong Lunes, Enero 18, naglabas ng vlog ang ex-girlfriend ni Joem na si Crisha Uy kung saan nagkomento ito sa mga bagong milestone sa buhay ng dating karelasyon na isa nang ganap na ama.