• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinilang na ni Andi Eigenmann ang una nitong anak na lalaki.

Andi Eigenmann, nanganak na

Isinilang na ni Andi Eigenmann ang una nitong anak na lalaki.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/18/2021 02:01 PM
Andi Eigenmann, nanganak na
Photo credit: @andieigengirl Instagram

Isinilang ni Andi Eigenmann ang bago nitong sanggol Lunes ng umaga, Enero 18. 

Una itong kinumpirma ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa isang Instagram post kung saan sinabi niya na nanganak ng isang malusog na lalaking sanggol ang 30 anyos na aktres. 

Congratulations anak for having a successful delivery to our newest member of the family. Bouncing healthy baby boy,” saad ni Jaclyn sa kanyang caption. 


Tingnan ang post ni Jaclyn sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Samantala, ibinahagi naman ni Andi ang isang litrato kung saan makikitang katabi niya ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at bitbit ang kanyang bagong silang na sanggol. 

Dito, pinasalamatan ni Andi si Philmar sa gabay nito habang ipinagbubuntis niya ang kanilang supling. 

WATCH: Andi Eigenmann shows preparations as arrival of baby boy draws near

We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life,” ani Andi. 

Sa post naman ni Andi isang araw bago niya isinilang ang kanyang sanggol, ikinwento nito kung gaano siya kasaya bilang isang ina sa kanyang mga anak. 

I hope I savored this pregnancy enough! What a truly beautiful experience this was. This journey has taught me to love my body, to appreciate it, and to believe in it so much more. As this journey comes to an end, another one begins. This time around my focus is not on getting my old body back,” aniya. 

READ: ‘I am grateful everyday for you’: Andi Eigenmann shares sweet post for eldest daughter Ellie 

Pagpapatuloy ni Andi: “Just on taking great care of it as a way to show gratitude for carrying and protecting the people that has showed me what I am destined to be- the honor of being their mom.” 

Tatlo na ang anak ni Andi, kabilang na si Ellie, na anak nito sa dating partner na si Jake Ejercito at si Lilo na unang anak naman nila ni Philmar.