• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang pangarap na maging piloto ang naging dahilan ni Arci Muñoz sa kaniyang pagsabak sa military training.

Soon to be Pilot: Arci Muñoz, tuloy ang pagtupad sa pangarap na maging Piloto

Ang pangarap na maging piloto ang naging dahilan ni Arci Muñoz sa kaniyang pagsabak sa military training.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/17/2021 02:28 PM
Soon to be Pilot: Arci Muñoz, tuloy ang pagtupad sa pangarap na maging Piloto
Photo credit: AFRC Laang Kawal Page Facebook and @ramonathirnes Instagram

Kasunod nang pagsabak ng aktres sa military training, isang panibagong misyon ang nais ituloy ng aktres na si Arci Muñoz.

Sa naging kuwentuhan ni Arci sa online show na We Rise Together, inamin ng niya na nais niyang maging isang piloto.


Ayon kay Arci, ang ambisyon na maging piloto ang isa sa naging rason niya sa pagsabak sa pinagdaanang military training noong nakaraang taon kung saan nakamit niya ang pagiging sergeant ng Philippine Air Force.

“Yun talaga ang gusto ko ever since. Balak ko rin maging piloto. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March,” sambit ni Arci sa panayam.

Aniya, dahil sa kaniyang desisyon na ipagpatuloy ang pangarap na maging isang ganap na piloto, kailangan niya ayusin ang kaniyang oras.

“Kailangan ko lang talaga maghanap ng medyo mahaba-habang bakanteng schedule kasi matagal 'yon, matagal ang pag-aaral na 'yon,” patuloy pa ng aktres.

At kasabay ng pagtupad ni Arci sa kaniyang tungkulin bilang isang Pilipino, nais rin na maging inspirasyon ng aktres sa kapwa kababaihan.

"Actually for me it's part of my responsibility as a citizen of our country, kaya ko ito ginawa. And I also want to inspire a lot of people, mostly the young generation and the girls, tayong mga kababahaihan na kaya rin natin ang ginagawa ng mga lalaki nating sundalo,” ani aktres.

Sa panayam, nagbalik tanaw rin si Arci sa pinagdaanang training. Pag-amin ng aktres, hindi biro ang kaniyang naging pinagdaanan.

"So ‘yon 'yung ipinakita ko habang nagte-training kami. Talagang hindi ako sumuko. May time na lumuluha na ang mata ko sa sobrang hirap pero kaya ko 'to. May time na tinatanong ko sarili ko ano ba itong napasok ko but at the end of the day, it's the fulfillment na I endured that feat at during the time of pandemic pa na nakapag-training kami sa bundok pero we did follow safety procedures. Pero ibang feeling, there's a renewed feeling of self-respect na I gained after graduating," pahayag ng aktres.

Sa ngayon, isang active military reservist si Arci.