• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi inakala ni Nova Villa na makakatanggap siya ng Papal Award.

Papal Award, tinanggap ni Nova Villa

Hindi inakala ni Nova Villa na makakatanggap siya ng Papal Award.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/16/2021 12:05 PM
Papal Award, tinanggap ni Nova Villa
Photo credit: Sarah Geronimo Facebook Page/Miss Granny

Isang pagkilala mula sa Santo Papa ang tinanggap ng veteran actress na si Nova Villa.

Si Nova ay tumanggap ng Pro Ecclesia et Pontifice medal, ang pinakamataas na pagkilala na binibigay ng isang Santo Papa sa tao sa tulong ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias.

Sa ulat ng Veritas 846 nitong nagdaang Biyernes, Jnauary 15, tinanggap ng aktres —Villa Novelita V Gallegos sa tunay na buhay—ang pagkilala noong January 14 sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Quezon City.


“Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” pahayag ng aktres sa panayam ng Radio Veritas. 

Ayon sa aktres, hindi niya inakala na siya ang mapipiling parangalan ng simbahang Katolika.

“Bukal sa puso ko 'yung anything na ginagawa ko for God. I’m happy to do it kahit mahirap.”

Sa nasabing panayam rin, nanawagan ang aktres sa kapwa na maging mabuting alagad ng Diyos.

“I think, I am just an instrument of God’s grace to people. By being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” pahayag ng aktres.

READ: EXCLUSIVE: ‘Miss Granny’ star Nova Villa masaya na na-experience na ni Sarah Geronimo ang pag-ibig

Bukod kay Nova Villa, ilang personalidad na rin ang una ng nakatanggap ng parehong pagkilala tulad nina Ai-Ai Delas Alas at Ryan Cayabyab.