• Home
  • Fresh Scoops
  • Keann Johnson explains why his new role is more daring than the one in ‘The Boy Foretold By The Stars’.

EXCLUSIVE: Keann Johnson takes on another BL movie, ‘Run’

Keann Johnson explains why his new role is more daring than the one in ‘The Boy Foretold By The Stars’.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/16/2021 01:41 PM
EXCLUSIVE: Keann Johnson takes on another BL movie, ‘Run’
Photo credit: @thekeanneffect_ Instagram

Pagkatapos ng tagumpay ng BL movie na The Boy Foretold By The Stars na pinagbibidahan ni Keann Johnson (kasama si Adrian Lindayag) na ipinalabas sa 2020 Metro Manila Film Festival ay muling sumabak ang binata sa isa na namang BL movie.

Si Keann ang bida sa pelikulang Run na ipapalabas sa KTX.PH sa January 22. Kapartner niya sa pelikula si JR Versales na isa sa naging lead actor noon sa pelikulang Seklusyon.

Ayon kay Keann sa panayam ng PUSH ay malaki ang pagkakaiba ng role niya sa The Boy Foretold By The Stars at sa Run.


Luke (his character in The Boy Foretold By The Stars) and Mark have completely different personalities. Luke is more of a mysterious introvert while Mark is more of an outgoing extrovert. Luke is still at the curious stage of his life while Mark already knows what he wants. But all in all, their perspective towards the LGBTQIA community is still the same,” paliwanag ni Keann tungkol sa kanyang role.

Inalam na rin namin ang kung ano masasabi ni Keann working with a real gay partner at sa isang straight guy. Kanino ba siya mas komportableng makipagtrabaho sa dalawa?

When I act on the set with my BL partner, I disregard their characteristics and look into their person. If they're genuine with what they do. And as long as comfortable sila sa akin, comfortable ako sa katrabaho ko,” deklara niya.

Hindi ba siya nagdalawang isip na gumawa ulit ng isa pang BL movie after The Boy Foretold By The Stars?

“No po,” sagot ng binata.  “As long as the project sends a good and positive message towards the public, I'm always down to work,” hirit pa niya.

When asked kung mas magiging daring ba ang character niya sa Run compared sa unang BL movie niya, ani Keann, “In terms of emotion, yes. Mark also opens his heart to Gene (JR) in this story and becomes vulnerable to him.”

Samantala, masaya si Keann sa mga natanggap na papuri sa pagganap niya bilang Luke sa TBFBS.

It’s very humbling hearing all the amazing feedback from everyone who watched it. Of course, it also gives me inspiration to want to be an even better actor,” sambit pa ng aktor.

After Run, gagawa pa rin ba ulit siya ng BL projects?

Depends on the story. I want to be able to put my acting to good use by telling amazing stories so why would I not?” sagot ng binata.

Run is directed by Mel Magno na bukod sa pagiging isang filmmaker ay isa ring songwriter.