• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa vlog ni Dr. Vicki Belo, naging bukas si Sarah Geronimo sa unang pagkakataon tungkol sa kanyang buhay may-asawa.

Sarah Geronimo doesn’t mind she’s 2 years older than husband Matteo Guidicelli

Sa vlog ni Dr. Vicki Belo, naging bukas si Sarah Geronimo sa unang pagkakataon tungkol sa kanyang buhay may-asawa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/15/2021 04:48 PM
Sarah Geronimo doesn’t mind she’s 2 years older than husband Matteo Guidicelli
Photo Credit: @victoria_belo Instagram

Halos isang taon na ang nakalipas matapos ang kontrobersyal na pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Geronimo, kaya mas nagiging bukas na pag-usapan ni Sarah Geronimo ang kanyang buhay may-asawa. Sa vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo, sinabi ni Sarah na sanay na sanay na siya ngayon sa mga gawaing bahay. 

 

 

“Puwedeng-puwede po ako mamasukan dito,” pagbibiro ni Sarah. 

Inisa isa rin ng singer ang kanyang mga kaya nang gawin sa bahay, “Maglaba, magplantsa, magluto, tagalinis, pampaligo ng aso.” 

Sinabi rin ni Sarah na nahuhumaling siya ngayon sa pagbe-bake at pag-try ng iba ibang recipes. 

Very proud naman si Matteo sa creations ng kanyang misis na madalas nitong i-share sa kanyang social media accounts.

Ikinasal si Sarah at Matteo February 20 last year at lumipat sa kanilang bagong bahay noong Oktubre lamang. 

“Mas mentally healthy for us na may outdoor talaga, may garden,” kwento pa ni Sarah tungkol sa kanilang nilipatang bahay. 

 

 

Aminado din si Sarah na lagi niyang inaasahan ang “validation” mula sa kanyang asawa na kinomentohan ni Dra. Belo ng: “I think ang mga babae, mayroon tayong subconsciously, we always look for validation. You’re making sure na mahal ka nung lalaki.”

Words of affirmation daw ang sagot din sa need na ito ni Sarah. “Mahal mo ba ako, mga ganoon, mga pa-cute, parang timang!” natatawang kwento pa niya.

Nang tanungin kung nako-concious ba siya sa age gap nila na Matteo, dahil mas matanda siya ng dalawang taon dito, sagot ng pop star: “Hindi naman po. Iyong maturity namin, magkaiba. May mga bagay na mature siya, ako, immature. Tapos feeling ko, mas mature ako sa bagay na ‘to, ta’s siya, malapit na.”

 

 

Malapit si Dra. Belo at kanyang asawang si Hayden Kho kina Matteo at Sarah. Kasama pa nila ang dalawa sa kanilang honeymoon sa Bali noong July last year. Sinama din nina Dra. Belo ang Ashmatt sa kanilang Amanpulo vacation noong Nobyembre.