• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang ilang linggong spekulasyon, pumirma na ng kontrata si Janine Gutierrez bilang artista ng ABS-CBN.

Janine Gutierrez, officially a Kapamilya

Matapos ang ilang linggong spekulasyon, pumirma na ng kontrata si Janine Gutierrez bilang artista ng ABS-CBN.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/15/2021 04:16 PM
Janine Gutierrez, officially a Kapamilya

Pormal nang ipinakilala ang aktres na si Janine Gutierrez bilang isang Kapamilya.

 

Nitong Biyernes, January 15 pumirma ng kaniyang kontrata sa ABS-CBN ang dating Kapuso actress. Kasama ang Kapamilya executives sa pangunguna ng ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes at Chief Finance Officer na si Rick Tan.


Kasama rin sa nasabing contract signing ang talent manager ni Janine na si Leo Dominguez.

 

 

 

 

Matatandaan na kamakailan lang, naiulat sa PUSH ang maugong na paglipat ng Kapuso actress sa Kapamilya Network matapos na hindi na i-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Janine.

RELATED NEWS: Janine Gutierrez, soon to be Kapamilya?

Sa ngayon hindi man kumpirmado, balitang napupusuan ang aktres na gumanap bilang si Valentina sa inaabangan na paglipad ng super heroine na si Darna sa "Darna The TV Series."

Si Janine ay isa sa mga showbiz royalties na kung tawagin sa industriya dahil anak siya nina Lotlot De Leon at Ramon Christopher, na parehong mula sa angkan mga sikat at beteranong personalidad sa bansa.