Teresa Loyzaga boto kay Barbie Imperial para kay Diego Loyzaga

May mensahe si Teresa Loyzaga para kay Barbie Imperial.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/14/2021 07:04 PM
Teresa Loyzaga boto kay Barbie Imperial para kay Diego Loyzaga

Halatang gusto ni Teresa Loyzaga si Barbie Imperial para sa anak niyang si Diego Loyzaga. Ipinahiwatig niyang boto siya sa relasyon ng dalawa sa pamamagitan ng kanyang IG post.

“Hija @msbarbieimperial and my son @diegoloyzaga Love each other. Respect each oher. Protect each other. Speak kind words to each other.

“Speak kind words of each other. Be happy. You both deserve it,” mensahe ni Teresa sa dalawa na inilagay niya sa comment box ng IG post ni Barbie.


'Grabe naman': Barbie Imperial gets sweet surprise from Diego Loyzaga

Maging ang half-sister ni Diego na si Sam Cruz ay pabirong nagbanta sa kanyang post kay Diego. Aniya, dapat daw ay tratuhin nang maayos ng kuya niya si Barbie.

“Treat her like a queen ah @diegoloyzaga or else HAHAHA love you guys!” saad niya.

Matatandaang umamin sina Diego at Barbie na nagkakamabutihan na silang dalawa nitong January 1, 2021. Nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Barbie na magkayakap.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 

Sinundan ito ng post ni Barbie noong January 3 sabay pag-amin na hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya kay Diego.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one,” pag-amin pa niya.