• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla and Kathryn Bernardo share their views on the sanctity of marriage.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo reveal why they’re not rushing into marriage: ‘Ayaw namin masira yung relationship’

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo share their views on the sanctity of marriage.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

01/14/2021 08:36 AM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo reveal why they’re not rushing into marriage: ‘Ayaw namin masira yung relationship’
Photo Credit: @bernardokath Instagram

With their digital movie series, The House Arrest of Us finale all set to happen on January 16, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo said that shooting in the new normal was an unforgettable experience.

“Siyempre it’s a different experience kasi siyempre nag-shoot kami habang may pandemya tayo so kakaiba talaga yung experience. Pero ang maganda dun, dahil dun mas nagkaroon tayo ng sistema, nagkaroon tayo ng respeto sa kanya-kanyang oras, oras ng artista, oras ng crew namin. So lahat nakakapagpahinga. So kinabukasan pag mag-shu-shoot, buhay yung mga tao, may energy tayong lahat. Excited lahat magtrabaho.,” DJ shared during The House Arrest of Us finale blogcon held last January 13. 


WATCH: Daniel Padilla, ibinahagi ang “biggest challenge” sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo | PUSH Daily

WATCH: Daniel Padilla, pwede na mag-retire sa edad na 35 | PUSH Daily

Even with their close friends Pat Sugui and Aerial Garcia getting engaged last month, DJ and Kath said there’s no pressure on them to follow suit just yet.

“Nakaplano eh, nakalista yung dapat namin gawin para hindi rin kami ma-rattle sa mga desisyon na gagawin namin kasi dun papasok yung mga problema eh. Kapag masyadong biglaan yung mga bagay. So linalatag namin yung mga bagay na yun, pina-plano namin. This year 26 na ako. My God. Ganito na tayo bigla (laughs). Wala naman talagang pressure sa amin. Wala namang ganun. May sari-sarili tayong timing. May sari sarili tayong trip. Walang tama walang mali,” DJ explained.

Kathryn said she and DJ still have a lot of time before they think of taking their relationship to the next level.

“Dati yung mga tanong niyo sa amin ‘Kailan kayo aamin? Kayo na ba?’ Tapos ngayon grabe marriage na (laughs). May mga kaibigan kaming engaged so duty namin maging best bridesmaid and grooms man. So yun muna. Kasi iba din naman yung age namin sa kanila and iba iba tayo ng timing lahat. Kami kumportable kami na bago tumalon sa ganyan klaseng buhay kailangan ready kami kasi ayaw namin masira yung relationship just because hindi kami ready pareho. Parang yun yung natutunan namin sa House Arrest of Us. Na kailangan pareho kayong ready and yung pamilya namin ready. Baka mahimatay si mama and si tita Karla kapag sinurprise namin sila. So ano muna kami, ayusin natin yung sa mga kaibigan natin na ikakasal. Huwag tayo magpa-pressure just because nag-propose sila dapat kami na din. Hindi kasi parang respeto yun sa amin and sa ibang couple din na may time,” she added.

When asked how important marriage is to them, Kathryn said it is a lifetime partnership. “So, kung paano yung sinasabi mo sa wedding vows, in sickness and in health, good times and in bad times. Once pumasok ka sa marriage, walang iwanan yun and dapat never mo mapa-feel mo sa partner mo na kahit anong mangyari sa life niyo na mag-isa siya. So, victories or failures dapat hawak kamay kayo ng partner mo,” she said.

DJ agreed that it is a lifetime commitment. “Partnership, yun siya para sa akin. Habang buhay na duty mo yan sa partner mo. Kaya hindi basta basta marriage kasi kapag hindi mo kayang ibigay yun, wag na muna kasi hindi pa tayo handa. Pero para sa akin kapag kami kinasal na sa tamang panahon, ibig sabihin handa na ako ibigay sa kanya habang buhay lahat,” he added.

Watch The House Arrest of Us finale episode on January 16, Saturday on KTX.ph.