• Home
  • Fresh Scoops
  • Humingi ng tulong ang isang babae kay Luis Manzano upang ireklamo ang kanyang kaibigan na sinulot ang kanyang crush.

PANOORIN: Babaeng nanulot ng crush, inireklamo kay Luis Manzano

Humingi ng tulong ang isang babae kay Luis Manzano upang ireklamo ang kanyang kaibigan na sinulot ang kanyang crush.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/13/2021 11:35 AM
PANOORIN: Babaeng nanulot ng crush, inireklamo kay Luis Manzano
Screenshot from lucky manzano YouTube Channel

Dumulog ang isang babae sa programa ni Luis Manzano na Luckyng Tulong upang ireklamo ang kanyang kaibigan na inagaw umano ang kanyang crush ng limang taon.

Isang babae na nagngangalang Mika Almonte mula sa San Jose del Monte, Bulacan ang humingi ng tulong kay Luis kaugnay sa ginawang panunulot umano sa kanyang crush ng kanyang matalik na kaibigan. 

Ayon sa 19 anyos na babae, alam ng kaibigan niya ang tungkol sa paghanga niya sa lalaking ito kaya laking gulat niya ng malaman niya ang tungkol sa ginawa nito sa kanya. 


READ: Luis Manzano to release an online show with Long Mejia

“Matalik na kaibigan ko po ‘yun. Paano ba naman po, sinulot po ‘yung crush ko na matagal na matagal ko ng crush. Hindi ko akalain na magagawa niya ‘yon kasi alam niya kung gaano ko po talaga ka gusto ‘yon,” ani Mika. 

Pagbabahagi ni Mika, nalaman niya ang tungkol sa pagkakaroon ng crush ng kanyang kaibigan sa parehas na taong hinahangaan niya nang mahulog ang wallet ng kanyang kaibigan na may lamang pictures ng taong pinag-aagawan nila. 

“Isang araw po kasi, nagkasama kami ng kaibigan ko na ‘yun. Nu’ng araw po na ‘yun, nahulog po ‘yung wallet niya. Eh that time po kasi sa sobrang kagustuhan ko po sa crush ko na ‘yun, may mga print po ako ng mga pictures niya. Tapos sabi ko po sa kanya, nawawala po ‘yung isang kopya ko po ng picture. Eh di hinayaan ko lang po,” ani Mila.  

WATCH: Luis Manzano partners with Long Mejia for online show ‘Luckyng Tulong’ | Push Bets Highlights

Pagpapatuloy ni Mika: “Tapos sabi niya baka nandiyan lang. Sabi niya, baka na-misplace mo lang, nalaglag or what. Tapos one time, parang kakain po kami after ng class po nu’n, nahulog niya po ‘yung wallet niya sa akin. Nagulat na lang po ako nandu’n po ‘yung picture nu’ng crush ko po.” 

Paliwanag naman ng kaibigan ni Mika na si Michelle Gueraza ng Caloocan City, pinulot lamang niya ang mga litrato ng lalaking pinag-aagawan nila ng mahulog ito ni Mika ng mag-inuman sila isang araw. 

“Nag-good time po kami nu’ng gabing ‘yun tapos po siyempre medyo tinamaan na po, nalaglag po ‘yung wallet niya. Tapos po nalaglag po ‘yung picture. Eh ako naman po bilang kaibigan niya po, pinulot ko po,” ani Michelle. 

“Eh hindi ko po agad naibigay sa kanya. Nilagay ko po muna sa wallet ko. Eh makakalimutin po ako, hindi ko na po naibigay sa kanya. Nagkataon naman po na nakita niya po ‘yung picture sa wallet ko po,” dagdag pa ni Michelle. 

Panoorin ang nakakaaliw na panibagong episode ng Luckyng Tulong sa ibaba: 

Bagama’t hindi agad naayos ang gusot sa pagitan nina Mika at Michelle, naniniwala naman sina Luis at co-host nitong si Long Mejia na maaayos din ito sa tamang panahon.