• Home
  • Fresh Scoops
  • Full-fledged lola na si Jenine Desiderio sa kanyang unang apo.

Jenine Desiderio, masaya maging ‘yaya’ sa unang apo

Full-fledged lola na si Jenine Desiderio sa kanyang unang apo.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/13/2021 11:52 AM
Jenine Desiderio, masaya maging ‘yaya’ sa unang apo
Photo Credit to Jenine Desiderio Facebook

Bumuhos ang pagbati ng netizens kay Jenine Desiderio, ina ni Janella Salvador, sa isang Facebook post nito habang karga ang baby na si Jude Trevor na may caption na, “My new job: Yaya.”

Si Baby Jude ay anak ni Janella at ng boyfriend nitong si Markus Paterson. Sa United Kingdom isinilang ni Janella ang kanyang anak noong October 2020 kung saan siya pansamantalang nakatira kasama ang pamilya ni Markus.

Kasama rin ni Janella sa UK ang inang si Jenine na nakaalalay sa mula sa kanyang pagbubuntis hanggang siya ay makapanganak.


Narito ang ilang mensahe at pagbati ng netizens kay Jenine na isa nang lola ngayon.

“Oemgee! Ang talented naman ng ‘yaya’ ni Jude! For sure, asleep agad yan when you sing to him. Congrats, new addition to the family! – Marinel Cruz.

“Beautiful! Congratulations! Super cute!!!” – Francisco Beech.

 

“Congratulations! Baby is lucky to have a beautiful granny nanny.” – Grace Borja.

“Jude is so lucky to have you Pretty Momyla.” – Lounor Tan Rebullida.

“How wonderful!!! Congrats!” – Andrew Fernando

“Congratulations beautiful and sexy Grandma! Your grandson is so adorable.” – Melody Leva Yap

“Congratulations! Happy to see you Tita and Baby Jude here in FB. May he grow healthy and strong like his parents. God bless!” – Clint Bolilan

Maging ang aktres na si Maritoni Fernandez ay binati rin ang dating Miss Saigon star.

“Best job in the world! I remember you were doing that way back with your own baby girl. Do you remember those days we had? How time has flown my dear sister!” wika pa niya.

Samantala, ilang beses kaming nagpadala ng mensahe kay Jenine at nag-attempt para siya ay mainterbyu pero hanggang ngayon ay hindi siya nagpapaunlak.