• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpasalamat si Ara Mina sa kanyang fiancé ‘for not giving up on me.’

Ara Mina, isang answered prayer ang kanyang engagement

Nagpasalamat si Ara Mina sa kanyang fiancé ‘for not giving up on me.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/13/2021 05:29 PM
Ara Mina, isang answered prayer ang kanyang engagement
Photo credit: @niceprintphoto IG

Napaiyak si Ara Mina nang alukin siya ng kasal ng boyfriend niyang si Dave Almarinez nitong Martes (January 12) sa San Pedro, Laguna. Matagal na ring pinangarap ng aktres ang lumakad sa altar at maikasal at ngayon nga ay matutupad na ito.

Ayon pa sa FPJ’s Ang Probinsyano star, ang nangyaring engagement nila ni Dave ay isang answered prayer.

Ara Mina, engaged na


“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer,” lahad niya.

Hindi rin daw siya sinukuan ng kasintahan kay ipinagpapasalamat niya ito nang husto.

Aniya, “Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love.

“Yes, I will marry you!”

Walang ideya si Ara na noong Janury 12 magaganap ang marriage proposal ni Dave.

“I was totally clueless of what this day would bring. And your surprise made me felt more loved and cherished than I did yesterday. You are all awesome!” reaksyon niya.

Dagdag ni Ara, “I want to express my gratitude to the following, who have been part of this magical milestone. @niceprintphoto for capturing every inch of this memorable event, @gideonhermosa for turning the grounds of city hall into a beautiful and romantic place

“To Mayor Cataquiz of San Pedro, Laguna, thank you so much for all the support you have given us and for making us feel like a family.

“And to all my loved ones, thank you for all the engagement wishes and warm congratulations.”

Bumuhos naman ang mga pagbati sa kanyang Instagram account pagkatapos niyang i-announce na engaged na sila ni Dave. Kabilang sa mga nag-congratulate kay Ara ay si Megastar Sharon Cuneta na may message na, “Aaaaaaaaaahhhhh!!!! Congratulations!!! Be happy sis!!! Praise God!!!”

Bumati rin sa kanya sina Ogie Alcasid, Patricia Javier, Darren Espanto, Ogie Alcasid, Sugar Mercado, Jenny Miller, Arci Munoz, Ana Roces, Barbie Imperial at marami pang iba.