• Home
  • Fresh Scoops
  • Dalawang taon nanligaw si Dave Almarinez kay Ara Mina bago sila na-engage.

Ara Mina, engaged na

Dalawang taon nanligaw si Dave Almarinez kay Ara Mina bago sila na-engage.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/13/2021 10:21 AM
Ara Mina, engaged na
Photo Credit to Nice Print Photography

Tinanggap na ni Ara Mina ang marriage proposal ng boyfriend niyang si Dave Almarinez and they are now officially engaged. Nag-propose si Dave kay Ara nitong Martes (January 12) ng hapon sa San Pedro, Laguna.

Si Dave na dalawang taong nanligaw kay Ara ay CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC). Nagsilbi rin siyang board member noon sa lalawigan ng Laguna.

Bago pa bumulaga ang mga larawan ng naganap na engagement ay nag-send si Ara sa amin ng isang picture na kuha sa San Pedro. May nakalagaydito na “WILL YOU MARRY ME?” Ayon sa FPJ’s Ang Probinsyano star, ikinagulat niya ang mga sumunod na pangyayari.


Nitong Martes ng gabi, bumulaga sa Instagram ang mga memorable moments ng engagement nina Ara at Dave courtesy of NicePrint Photo.

Makikita ang pagluhod ni Dave sa harap ni Ara habang ibinibigay ang singsing. May photo rin si Ara na umiiyak habang isinusuot ni Dave ang engagement ring sa kanyang daliri.

May larawan din na pagkatapos mapapayag ni Dave si Ara na magpakasal sa kanya ay nagyakapan sila nang mahigpit.

“They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almarinez (four ring emojis) This most beautiful moment, priceless,” caption ng NicePrint.

Wala pang ibinibigay na detalye sa amin si Ara kung kailan magaganap ang kanilang kasal.

Congratulations and best wishes, Ara and Dave!