• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naman itinanggi ni Loisa Andalio na minsan niyang naisip na dumaan sa liposuction procedure.

‘Ayokong baguhin ang hitsura ko’: Loisa Andalio, nagparetoke na nga ba?

Hindi naman itinanggi ni Loisa Andalio na minsan niyang naisip na dumaan sa liposuction procedure.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/12/2021 05:27 PM
‘Ayokong baguhin ang hitsura ko’: Loisa Andalio, nagparetoke na nga ba?

“Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke.”

Ito ang naging pahayag ng Kapamilya star na si Loisa Andalio sa kaniyang latest vlog kung saan sinagot niya ang mga negatibong kumento ng netizens sa kaniyang mga social media posts.

 


 

Kasama ang nobyo na si Ronnie Alonte, isa isang sinagot ni Loisa ang agam agam ng fans kung nagpa-retoke na nga ba ang aktres.

“As in hindi ako nagparetoke talaga. Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko,” sambit pa ni Loisa.

Hindi man interesado si Loisa na dumaan sa beauty enhancement, wala rin siyang isyu sa mga gustong dumaan dito.

 

 

“Okay lang i-enhance. Hindi ako (against) dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance (sa akin) Wow, lakas,” pabirong pahayag ng dalaga.

Dahil rin sa kagustuhan ng agarang resulta sa kaniyang pagpapayat, minsan rin sumagi sa isip ng dalaga ang mag pa liposuction.

“Dati gusto ko magpapayat, lipo. ‘Di ba uso 'yun dati, (Pero) Dinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na hindi ko pala kailangan. Kaya naman pala,” ani Loisa.

Sa huli, nagpahayag rin si Loisa ng kaniyang saloobin sa mga netizens na kinukuwestiyon ang kaniyang ginagawang editing sa mga retrato na kaniyang ibinabahagi sa kaniyang social media accounts.

“‘Yung mga ganitong comment naman, hindi ko na iyan pinapansin kasi nakakatawa lang naman 'yung mga ganyan. And kapag nag-e-edit ng picture, walang basagan ng trip naman,” pahayag ng dalaga.