• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy ang palaisipan ng netizens kung sino nga ba ang bumihag sa puso ni Julia Barretto.

‘Afam’ at ‘Older’ ang mga hints ni Julia Barretto sa kanyang relasyon

Tuloy ang palaisipan ng netizens kung sino nga ba ang bumihag sa puso ni Julia Barretto.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/12/2021 05:14 PM
‘Afam’ at ‘Older’ ang mga hints ni Julia Barretto sa kanyang relasyon

Tila napaamin na ang aktres na si Julia Barretto sa kaniyang relationship status.

Kasunod ito ng isang Tiktok post ng isa sa mga kaibigan ni Julia na si Shamee Sugui kung saan naging katuwaan ang options ng “Taken Or Single”, “Pinoy or Afam” at ang “Older or Younger”.

 


@shameesugui

@chiefilomeno @keikofoxx @pressmanissa @aerielgrcia @#JuliaBarretto #Byanga

♬ It's Tricky - RUN DMC

 

Dahil sa naging upload, mas lalung umugong ang isyu ng balitang si Gerald Anderson ang kasalukuyang ka-relasyon nang aktres.

Matatandaan na noong 2020, naiulat ang umano’y pagbisita ni Julia sa ipinapatayong beach resort sa Zambales ni Gerald.

READ: Julia Barretto shows support for Gerald Anderson’s new resort in Zambales​

Bukod sa ulat na pagbisita umano sa beach resort ng aktor, isa rin sa naging mainit na palaisiapan ang pendant sa necklace ng aktres na may letrang “G” na mas nagpainit pa ng usapin sa pagmamabutihan ng dalawa.

READ: https://push.abs-cbn.com/2021/1/5/fresh-scoops/mystery-man-in-julia-barrettos-ig-post-intrigues-190838

At kamakailan lang, naging palaisipan rin sa netizens kung sino ang mystery “balbon” guy na kasama nang aktres sa loob ng sasakayan na nagpaugong ng espekulasyon sa relasyon ni Gerald at Julia.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

 

Hulyo nang taong 2019 nang nagsimulang maiugnay ang pangalan ni Julia sa hiwalayan ng dating magkarelasyon na si Bea Alonzo at Gerald Anderson.

RELATED NEWS: Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson​

Bukod dito, napabalita din na si Gerald ang dahilan ng hiwalayan nina Julia at ang dating nobyong si Joshua Garcia.