Pokwang, umalma sa mga manggagantso sa social media

Pokwang, nagsalita tungkol sa isang dating website.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/11/2021 11:19 AM
Pokwang, umalma sa mga manggagantso sa social media
Photo Credit: @itspokwang27 Instagram

Agad na naglabas ng kanyang saloobin ang komedyana at TV host na si Pokwang sa tila paggamit sa kanyang pangalan sa isang dating website.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


 

Sa Instagram post na ibinahagi ni Pokwang, kalakip ang screenshot ng pahayag ng isang netizen sa Facebook group na Filipino Women looking for Foreign Husband, na sinasabing na nakilala umano ni Pokwang sa nasabing dating website ang partner na si Lee O Brian.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

Kaya naman, binigyang linaw agad ni Pokwang ang malisyosong pahayag at pag-gamit sa kanyang pangalan para i-promote ang sinasabing dating website.

“Hindi ko po sia friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian,” sabi pa ni Pokwang sa post. 

“Sa movie po kami nagkakilala ang Edsa Woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin” paglilinaw ni Pokwang.

Pahabol na pahayag ng komedyana, “Mga mag gagantso!!!! wag ganon!!!!” 

Taong 2014 ng ipalabas ang TFC-produced movie na Edsa Woolworth na naging daan para magkakilala si Pokwang at ang kanyang partner ngayon na si Lee O Brian.

Si Pokwang at Lee ay nabiyayan ng isang anak na si Malia O Brian.