• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ang ‘Ngiti Ni Nazareno’ sa Guwahati International Film Festival sa India.

‘Ngiti Ni Nazareno’ ni Direk Louie Ignacio, lalaban sa Film Festival sa India

Kasama ang ‘Ngiti Ni Nazareno’ sa Guwahati International Film Festival sa India.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/11/2021 11:04 AM
‘Ngiti Ni Nazareno’ ni Direk Louie Ignacio, lalaban sa Film Festival sa India
Photo Credit: @direklouieignacio Instagram

Kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng itim na Nazareno ng Quiapo, isang magandang balita ang ibinahagi ng direktor na si Louie Ocampo para sa kanyang short film na Ngiti Ni Nazareno.

Ang Ngiti Ni Nazareno ay nagawa at naipalabas noong 2018 na nominado ngayon sa Guwahati International Film Festival sa India.

Sa Facebook post ng direktor, ibinahagi niya ang masayang balita para sa kanyang proyekto. 


“Congratulations Louie Ignacio's NGITI NI NAZARENO (2018). It will compete at the Guwahati International Children Film Festival in India, February 4 to 6, 2021” sabi pa ng direktor sa post.

Bago pa man ang Guwahati International Film Festival, una ng napansin ang Ngiti Ni Nazareno sa iba pang International Award giving bodies sa Germany, kung saan nakakuha ito ng pagkilala sa short film category.

Bukod sa Germany, tumanggap rin ng Special Jury Prize ang passion project ni Direk Louie sa 2019 Innuendo International Film Festival in Italy at Bronze Remi sa 2018 Houston International Film Festival.

Kung humakot ng parangal sa international scene ang proyekto, napansin sa Pilipinas ang Ngiti ni Nazareno sa Sinag Maynila 2019 kung saan itinanghal ito bilang third Best Short Film.

Sa ipinadalang statement ni Direk Louie sa atin, ramdam ng direktor ang kasiyahan para sa panibagong pagkilala sa kanyang obra.

 

 

“Nakakagulat at tuwang tuwa ako sa message ng producer ko na si Ferdinand Lapuz na nag-email sa kanya ang Festival at sinabi na hinanap nila ang short film na ito na nirecommend ng isang foreign festival programmer para isama sa GUWAHATI International Childrens Festival sa India sa darating Feb. 4, 2021. Magandang sign ito ngayong 2021 at nagkataon pa na Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno. Nakakatuwa at may isa nanamang Pelikulang Pilipino ang mapasama sa isang International Film Festival.️ thank you sooooooo much Jeff,” pahayag ng direktor sa mensahe nito sa atin.

Ang “ay pinagbibidahan nina Kenken Nuyad, Milka Chulina Ponferrada Byuti Veloso Antonio de Guzman Jr.