• Home
  • Fresh Scoops
  • Panganay si Royette Padilla sa magkakapatid na Robin, Rommel, at BB

Royette Padilla, kapatid nina Robin Padilla at BB Gandanghari, pumanaw na

Panganay si Royette Padilla sa magkakapatid na Robin, Rommel, at BB

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/10/2021 08:27 AM
Royette Padilla, kapatid nina Robin Padilla at BB Gandanghari, pumanaw na

Ibinalita ni Rebecca Padilla, kapatid na babae nina Robin Padilla at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) na pumanaw na ang kanilang panganay na kapatid na si Royette Padilla. Nag-post si Rebecca sa social media tungkol sa pagpanaw ni Royette nitong Sabado ng umaga, January 9.

“Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please,” post niya sa Facebook.

Nauna nang pumanaw ang asawa ni Royette na si Jane Seryll Padila.


Post ulit ni Rebecca, “Together now, in eternal peace and loving embrace of our Creator. Cheers Jane and Oyroro! Yakap #eternallove.”

April 23, 2020 nang yumao ang asawa ni Royette dahil sa brain cancer. Atake sa puso naman ang dahilan ng biglaang ikinamatay ni Royette sa edad na 58.

Noong December 24 ay nakapag-post pa si Royette sa kanyang Facebook account habang sinasalubong ang Pasko. Kasama niya that time ang inang si Mommy Eva Carino.

This is my happiest Christmas because the most wonderful mom Mama Eva in the world has fully recovered from her illness and beautiful again as ever! Merry Christmas everyone and to all your loved ones and specially to all my friends here in FB,” huling post ng dating aktor.

Ilan sa mga pelikulang nilabasan ni Royette noon kasama ang kapatid na si Robin ay ang Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?), Mistah, Silya Elektrika, Alab Ng Lahi, at marami pang iba.