• Home
  • Fresh Scoops
  • Naghanap ng paraan si Jairus Aquino para ma-divert ang atensyon niya nang hindi magka-anxiety attack.

EXCLUSIVE: Jairus Aquino nagpintura ng buong bahay para malabanan ang anxiety

Naghanap ng paraan si Jairus Aquino para ma-divert ang atensyon niya nang hindi magka-anxiety attack.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/10/2021 10:41 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino nagpintura ng buong bahay para malabanan ang anxiety
Photo credit: @dothejairusaquino Instagram

Aminando ang aktor na si Jairus Aquino na maraming beses siyang naka-experience ng anxiety attack. Nagkaroon daw siya ng sleepless nights at biglang hindi makahinga. Isa raw sa nag-trigger ng kanyang anxiety ay dahil sa over thinking sa mga problema, stress, na nadagdagan pa simula nung magsara ang ABS-CBN.

Diversion?

“Pininturahan ko yung bahay namin. Nag-bonding kami ng tatay ko at nung time na yon do’n lang talaga siya naging focus sa akin at naging tutok sa anxiety ko.


“Sabi ko, ‘Dad, pinturahan natin yung buong bahay.’ ‘Sigurado  ka? Tara!’ Kaya buong araw nagpipintura kami, tapos araw-araw yon. So na-divert yung iniisip ko kaya okay kasi nagpipintura ako ng bahay.

“Tapos eventually bumuo ako ng gaming PC para ma-divert na talaga yung attention ko tapos nag-start akong mag-gaming stream sa Facebook. So yon, buong araw nag-stream lang ako halos every day at nada-divert na talaga yung atensyon ko. And now, eventually, nakakapag-cope up na rin sa situation, so less na talaga yung anxiety attack,” detalyadong kuwento ng binata kung paano nilabanan ng anxiety.

READ: EXCLUSIVE: Jairus Aquino, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend

Dagdag pa ni Jairus, since June daw ng taong 2020 ay hindi naulit siya nagkaroon ng anxiety attack.

Binata na ang dating child actor at aminado siyang madalas niyang makasalamuha sa showbiz ang mga beki.

Kuwento ni Jairus, “Sa totoo lang, marami po akong kaibigang bakla sa showbiz, sa production team. Nae-enjoy ko yung company nila, eh. Manood ka sa kanila, nagbibiruan sila tapos matatawa ka din, di ba?
 
“So, marami akong kaibigang gay and nirerespeto naman nilaako kasi binibigyan ko rin naman sila ng respeto. That’s what I like sa mga kaibigan kong gays – nirerespeto ko sila kung sino sila, nirerespeto din nila ako kung sino ako.”

Naka-experience na rin si Jairus na may mga nagpaparamdam sa kanyang bading sa Instagram. Pero ang katwiran niya, wala raw naman siyan gproblema do’n.

 “Ah, eh, ano na poyon. Kumbaga, ibigay na lang natin sa… isipin natin na hangga’t hindi ka namannakakanti physically okey na yon. Let’s  take it that way na lang na ina-admire ka pa rin nila sa ibang paraan lang.

“Medyo nakakabastos pero hangga’t hindi nangyayari physically (yung pambabastos) okey lang. Kasi itutulog mo lang naman yung nabasa mo, paggising mo wala na, di ba?” paliwanag ni Jairus.