• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Morissette Amon ang bahay na aniya’y pinaghirapan niyang matapos para sa kanyang pamilya.

Morissette Amon, ipinasilip ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya

Ipinasilip ni Morissette Amon ang bahay na aniya’y pinaghirapan niyang matapos para sa kanyang pamilya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/01/2021 10:35 AM
Morissette Amon, ipinasilip ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya
Photo Credit: @itsmorissette Instagram

Ipinasilip ni Morissette Amon ang bahay na aniya’y bunga ng kanyang isang dekadang pagsusumikap sa mundo ng showbiz. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)


 

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga ng Kapamilya singer na si Morissette Amon na makita ang bahay na ipinagawa nito para sa kanyang pamilya sa inilabas nitong bagong music video. 

Dito, makikitang inaawit ni Morisette ang kanyang rendisyon ng sikat na awitin ni Demi Lovato na “Tell Me You Love Me” sa iba’t-ibang sulok ng kanyang bahay. 

“My latest cover up on www.youtube.com/MorissettePh (and last upload for the year) was shot at my newly built house that I wanted to have for my family that was finally accomplished this year,” aniya. 

Pag-amin naman ng singer, nagdalawang-isip siya noong una kung ipapakita niya sa publiko ang bahay na ito. 

“[To be honest], I hesitated sharing about this before because I wanted to keep it private, but I also realized how hard my family and I worked for this to happen,” saad niya. 

READ: Morissette Amon admits she has been engaged to Dave Lamar since September

Sa kabila umano ng pinagdaanan niya ngayong taon, nagdesisyon si Morissette na matapos ang pagpapagawa nito para sa kanyang pamilya na aniya’y walang sawang sumuporta sa kanya. 

“Despite everything that's going on, I decided to finish our dream house in honor of my family and how they've supported me in my career for about a decade,” aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

 

Hindi naman umano naging madali ang pinagdaanan niya kaya ani Morissette, umaasa siyang magsilbi itong inspirasyon sa iba na lalo pang magsumikap sa buhay. 

READ: Morissette Amon to release new single ‘Love You Still’

Aniya: “My 10 years in the industry wasn't an easy ride, and all that I have now definitely didn't happen overnight. I guess I just also wanted to share this to remind everyone that if we want something to happen, we really gotta work hard for it, also because "Nothing worth having comes easy." 

Dagdag pa nito: “But don't forget to also experience and enjoy life while you're at it.. It's all about balance, patience, determination, and faith.” 

Tingnan ang post ni Morisette sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

 

Sa hiwalay na Instagram post nitong buwan, pinasalamatan niya ang manager na si Audie Gemora sa pagpapatuloy nito sa kanyang bahay na naging tahanan niya ng isang taon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

 

Samantala, hindi pa kinukumpirma ni Morissette kung kailan lilipat ang kanyang pamilya sa ipinagawa niyang bahay. 

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Morissette ang engagement niya sa kanyang boyfriend na si Dave Lamar.