• Home
  • Fresh Scoops
  • Postponed events and virtual coronations became the new normal for pageants last year.

How did beauty pageants fare in 2020?

Postponed events and virtual coronations became the new normal for pageants last year.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/01/2021 10:05 AM
How did beauty pageants fare in 2020?
Photo Credit: @roxieebae, @rabiyamateo and @roberta.tamondong Instagram

Extraordinary challenges ang hinarap ng buong mundo nitong 2020 kasabay ng pagharap ng bawat bansa sa COVID-19.

Dahil sa mga challenges na ito, isa ang larangan ng entertainment industry at live events sa labis na napilay sa panahon ng “virtual” era.

At isa ang pageant scene sa humarap sa major major adjustment na ito. Una na dito ang urong sulong na coronation dates sa national pageant ng Binibining Pilipinas na unang inanunsyo ang kanilang coronation noong Abril.


Ito rin ang unang taon na wala na sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang franchise ng most prestigious pageant na Miss Universe Philippines na nasa ilalim na ng pamamahala ni 2011 Miss Universe Philippines Shamcey Supsup-Lee.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Si Rabiya Mateo ang unang Miss Universe Philippines na kaisa-isang national beauty pageant rin ng 2020 na nagsagawa ng live coronation pageant.

Kung new normal set up ang pag-uusapan, handa naman ang Miss Philippines Earth dito na sumabay sa new normal set up.

Ang Miss Earth Philippines ay ang unang beauty pageant na sumabay sa “virtual” era kung saan saan kinoronahan si Roxanne Baeyens.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Roxie Baeyens (@roxieebae)

 

From Miss Philippines, to Miss Earth pageant, itinuloy ni Roxanne Baeyens ang laban where she placed as Miss Earth Water.

Kung virtual pageant ang Miss Earth Organization, urong sulong din muna ang Miss World Philippines sa pag tuloy ng kanilang pageant.

Pero, kahit tahimik ang national pageant, umarangkada naman ang 18 year old appointee beauty ng San Pablo Laguna na si Roberta Tamondong na kinoronahan as Miss Eco Teen International last December 6 sa Egypt.

 

 

Samantala, tuluyan naman na nag kansela ng national pageant for 2020 ang Mutya Pilipinas na isa sa mga prestigious national beauty pageants.