• Home
  • Fresh Scoops
  • Pasabog sa bagong taon ang post ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account.

Angelica Panganiban, may bagong pag-ibig na

Pasabog sa bagong taon ang post ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/01/2021 12:47 PM
Angelica Panganiban, may bagong pag-ibig na
Photo Credit: @iamangelicap Instagram

Inulan ng congratulatory at heart emojis ang comment section ng post ni Angelica Panganiban sa Instagram ngayong unang araw ng bagong taon. 

Sa kanyang picture, tila ipinakilala na ni Angelica ang sinasabi niyang bago niyang pag-ibig. 

Sa caption, kung saan siya ay may kahalikan na isang lalaki sa may beach, sinabi ni Angelica: “Kung isa kang pelikuka, sana,, wala kang ending …”  


 

 

Wala naman ibang detalyeng ibinigay pa ang Kapamilya star. 

Noong Nobyembre sa isang vlog, ay parang ibinuking ng kanyang mga kaibigan ang aktres tungkol sa kanyang blooming love life. 

Sa birthday episode ng Ask Angelica, ilang ulit siyang tinanong ng kanyang mga kaibigan tungkol sa estado ng kanyang puso. 

Si Glaiza de Castro ay parang nagbigay din ng hint tungkol dito. 

"Maraming maraming salamat sa patuloy mong pagke-care sa akin. Ngayon  hindi ka na mahihirapan dahil may nag-ki-care sa ‘yo. [laughs] Basta! 'Yun na 'yun. Masaya ako para sa 'yo, amiga," birthday message nito kay Angelica.

Isa pang kaibigan niya, si Kevin Samson, ang nag-iwan din ng clue.

“Alam ko naman you’re more than happy right now, kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even happier. And you deserve to be. That is an answered prayer for me," sabi niya kay Angelica.

 

 

Huling public na nakarelasyon ni Angelica ang aktor na si John Lloyd Cruz. Naghiwalay ang dalawa noong 2016. 

Ilan pa sa mga kilalang naging kasintahan ni Angelica ay ang mga aktor na sina Carlo Aquino at Derek Ramsay.