• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinilang na ni Alissa Martinez ang isang malusog na lalaking sanggol.

Anak ni Albert Martinez na si Alissa, isinilang ang unang sanggol

Isinilang na ni Alissa Martinez ang isang malusog na lalaking sanggol.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/01/2021 08:55 AM
Anak ni Albert Martinez na si Alissa, isinilang ang unang sanggol
Photo Credit: @alissamartinez Instagram

Iniluwal na ng anak ni Albert Martinez na si Alissa ang unang sanggol nito sa asawa niyang si Paulus Reyes. 

Sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Alissa ang balita tungkol sa pagsalubong nila sa kanyang anak na si Amati Mari na isinilang niya noong Disyembre 7. 

READ: Albert Martinez overjoyed by daughter Alissa’s recent engagement


Ani Alissa, masaya siya dahil natupad ang kanyang na dasal na magkaroon ng lalaking anak. 

“Ever since we found out I was pregnant, @paulusreyes and I prayed the rosary everyday for a healthy baby boy … and here he is,” saad ni Alissa sa caption ng kanyang Instagram post. 

Mensahe pa nito sa kanyang anak: “I love you so much, Amati. Thank you for giving my life so much meaning and purpose.”

 

 

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Alissa ang kanyang lubos na kasiyahan dahil natanggap niya aniya ang isa sa pinakamagandang regalo noong Pasko.

“6 days before Christmas and we already got the best gift,” saad nito. 

 

 

 

Matatandaang ikinasal si Alissa sa Canada noong Oktubre 2019.

Pumanaw naman ang lola nito — ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes — dalawang linggo matapos niyang ikasal. 

Si Alissa ay anak ni Albert Martinez sa yumao nitong asawa na si Liezl.