• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Pia Wurtzbach sa mga mamamayang Pilipino na dismayado sa kasakuluyan na mga issue na hinaharap ng bansa.

Pia Wurtzbach, pinuntirya ng basher pagkatapos niyang himukin ang mga Pinoy na magparehistro na maging botante

Isa si Pia Wurtzbach sa mga mamamayang Pilipino na dismayado sa kasakuluyan na mga issue na hinaharap ng bansa.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/09/2020 10:54 AM
Pia Wurtzbach, pinuntirya ng basher pagkatapos niyang himukin ang mga Pinoy na magparehistro na maging botante
Photo Credit: @piawurtzbach Instagram

Tila hindi kinaya ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang birada sa kaniya ng bashers sa social media.

Kasunod ito nang kaniyang panawagan na magparehistro ang mga kababayan ngayong darating na eleksyon.

READ: Pia Wurtzbach on voter registration: ‘Hindi sapat na sa social media lang tayo naririnig’


Dahil sa kaniyang hayagan na pagkadismaya sa mga social issues na kinakaharap ng bansa, hindi rin naiwasan ni Pia na maglabas ng saloobin na ‘di naman pinalagpas ng negatibong komento.

Isa na dito ang isang retweeted post ni Pia sa pahayag ng netizen laban sa kaniya na sinabing: “Atupagin mo yong bago mong jowa Pia, dahil bukod sa mukha mo at papaya wala kang utak. Magbilang ka nalang ng mga oten dahil sa bilis ng pagpalit mo ng boyfriend ay sya mamang kasing hina ng utak mo,” pahayag pa ng netizen.

Photos credit to @piawurtzbach Instagram

Sa sinabi ng netizen, ang tanging nasabi na lang ng Pinay Miss Universe ay “Kaloka”.

 

 

Sa mga social media post ni Pia, mababatid ang kaniyang pagkadismaya sa pagbigay ng full pardon sa Amerikanong sundalong si Joseph Scott Pemberton na pumatay sa transgender na si Jennifer Laude.