• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag naman ni Yamyam Gucong ang dahilan kung bakit hindi pa rin tumitigil ang kanyang ama sa pagsasaka.

PANOORIN: Yamyam Gucong, ipinasilip ang payak na pamumuhay sa probinsya

Ipinaliwanag naman ni Yamyam Gucong ang dahilan kung bakit hindi pa rin tumitigil ang kanyang ama sa pagsasaka.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/09/2020 05:01 PM
PANOORIN: Yamyam Gucong, ipinasilip ang payak na pamumuhay sa probinsya
Screenshot from YAMYAM'SVLOG YouTube Channel

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Yamyam Gucong kung paano nila inaani ang mga pananim nila sa kanilang bukid gaya ng mais at mani bilang “harvest season” na.

Ipinakita din ni Yamyam sa nasabing vlog kung paano ginagawa ang “corn rice” gamit ang isang  makinang de kamay — patunay sa kanyang payak na pamumuhay sa probinsya. 

Dito, ipinaliwang din ng tubong Bohol kung bakit hindi pa rin tumitigil ang kanyang ama sa pagsasaka sa kabila nang kanyang kakayahan na makapagbigay ng tulong pinansyal sa kanila. 


“‘Yung mga matatanda kasi, parang manghihina sila kapag hindi sila nakapagtrabaho sa bukid. Kaya siyempre ‘yung Papa ko patuloy pa rin siya sa pagbubukid kasi kinakahiligan niya rin kasing gawin eh. Parang parte na ng buhay niya ‘yun. Kasi mula kabataan niya hanggang sa nagka-asawa siya, magbubukid pa rin siya,” ani Yamyam. 

Dagdag pa niya: “Siyempre naawa ako sa Papa ko kasi matanda na, magbubukid pa. Ayaw magpapigil eh kasi siyempre nirerespeto ko siya kasi parte na rin ‘yan ng buhay niya. At the same time, siguro nakakatulong pa ako sa health niya kasi siyempre parang nag-eexercise ka na din ‘pag nagsasaka ka.”

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba: 

Una nang napanood ng kanyang mga taga-hanga ang kanyang pamumuhay sa probinsya sa Maalalala Mo Kaya.” 

Nakilala si Yamyam sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso kung saan siya ang tinanghal na Big Winner. 

Nabigyan ng pagkakataon si Yamyam na ipamalas ang kanyang talento sa paghu-host sa digital show ng ABS-CBN na “Tipid Nation.” 

May programa din siyang “Highway Harvest” sa TFC Online kung saan kasama niya ang ex-housemate na si Fumiya Sankai. Isa ang nasabing programa sa mga pinakamaraming viewers sa TFC Online.