Muling binalikan ng “It’s Showtime” dancer na si Stephen Robles ang bahay na tinirhan niya sa Tarlac simula noong pinanganak siya hanggang sa umabot siya ng otso anyos.
Sa kanyang vlog, inikot ni Stephen ang iba’t-ibang sulok ng tahanan. Hindi naman napigilan ni Stephen na maging emosyonal at sinabing parang bumabalik siya sa pagkabata habang iniikot niya ang mga lugar kung saan nakabuo siya ng mga alaala.
Ani Stephen, marami siyang hindi makakalimutang pangyayari sa nasabing bahay na kinalakihan niya kasama ang kanyang mga lolo at lola.
“Maraming, maraming experience na hindi maganda dito kasi maraming aksidente ang nangyari sa akin dito,” kwento ni Stephen.
Dagdag pa niya: “Malikot kasi ako noong bata ako kaya ayun, puro kaharutan ‘yung ginawa ko. Maraming nangyayari sa akin na hindi maganda.”
Panoorin ang vlog ni Stephen sa ibaba:
Samantala, nangako naman si Stephen na ipapakita niya sa susunod niyang vlog ang kanyang tahanan ngayon.
READ: Stephen Robles, bumuhos ang luha sa pagbisita sa himlayan ng yumaong kapatid
Nagsimula si Stephen bilang dancer sa noontime show na “It’s Showtime”at unti-unting nakilala nang mabigyan siya ng pagkakataon na mapadalas ang paglabas sa ilang segments ng nasabing programa.
Kamakailan ikinuwento ni Stephen sa kanyang vlog ang dahilan kung bakit nawala siya sa “It’s Showtime.”