• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naiwasan na maghayag ng kanilang saloobin ang iba’t ibang personalidad sa social issues na kinakaharap ng bansa.

Liza Soberano, pumalag matapos sabihan na ‘boba’ ng basher

Hindi naiwasan na maghayag ng kanilang saloobin ang iba’t ibang personalidad sa social issues na kinakaharap ng bansa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/09/2020 10:54 AM
Liza Soberano, pumalag matapos sabihan na ‘boba’ ng basher
Photo Credit: @lizasoberano Instagram

Hindi napigilan ng aktres na si Liza Soberano na sagutin ang isang netizen na tumawag sa kaniyang ng “boba”.

Kasunod ito nang pagkuwestiyon ng aktres at pagpapahayag niya ng pagkadismya sa pagbibigay ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ay ang Amerikanong sundalo na na-convict sa pagpatay sa isang transpinay na si Jennifer Laude.


Dahil dito, sa Twitter post nagpahayag si Liza ng kaniyang saloobin.

“So a [murderer] was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good?” post ng aktres na mayroong hashtags na #JusticeForJenniferLaude #TransLivesMatter

 

 

Dahil dito, samu’t saring reaksyon ang nakuha ni Liza at kabilang na dito ang sinabihan pa siyang “boba”

“Ang boba pala ng babaeng ito. Now naniwala na talaga akong acting lang ['yong] kunwaring matalino [siya],” sabi ng netizen.

Patuloy pa ng Netizen: “Stick to your craft girl. [Huwag] masyadong pahalata na wala kang alam sa basic comprehension on laws & current events," sabi pa sa replied tweet ni Liza.

Agad naman sumagot si Liza at “Ouch ang sakit nasaktan ako”.

Bukod kay Liza, isa rin ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa mga nagpahayag mag kaniyang pagkadismya sa usapin ng pagpapalaya sa dayuhang sundalo.