• Home
  • Fresh Scoops
  • Napag-uusapan nina Aiko Melendez at Jay Khonghun ang pagkakaroon ng baby.

Aiko Melendez, inaming napag-uusapan nila ni Jay Khonghun ang pagpapa-freeze ng kanyang eggs

Napag-uusapan nina Aiko Melendez at Jay Khonghun ang pagkakaroon ng baby.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/09/2020 04:48 PM
Aiko Melendez, inaming napag-uusapan nila ni Jay Khonghun ang pagpapa-freeze ng kanyang eggs
Photo Credit: @aikomelendez Instagram

Naka-chikahan ni Ogie Diaz ang aktres at malapit nitong kaibigan na si Aiko Melendez sa pinakabago nitong vlog. 

Dito, ibinunyag ng aktres na si Aiko Melendez na napag-uusapan nila ng partner nitong si Jay Khonghun ang pagkakaroon ng anak. 

 


 

Ani Aiko, hindi raw gusto ng kanyang bunsong anak na si Marthena na masundan ito. Ngunit ayon kay Aiko, kaya niya pang magdalang-tao. 

“Ayaw na ni Marthena. Pero pwede pa ako kasi nagkakaroon pa ako. Pwede pa ako. Kung gugustuhin ko pwede pa,” ani Aiko. 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Aiko, tatanggapin niya ng buong-puso sakaling dumating ang panahon na mabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon muli ng anak.

“Kung darating ‘yun. Hindi namin inaawat, hindi namin pinipigilan. Kung darating, blessing ‘yan. Hindi namin pipigilan. Pero kung wala, eh di wala,” saad ng aktres. 

READ: Andre Yllana celebrates birthday with family amid quarantine

Inamin naman ni Aiko na napag-uusapan nila ni Jay ang pagpapa-freeze sa kanyang eggs sakaling magdesisyon siyang magkaroon ng anak sa hinaharap. 

READ: Aiko Melendez to feature small businesses on her YouTube channel

“Pero nandoon kami sa proseso na pinag-uusapan namin na gusto ko i-freeze ‘yung egg ko. Para ‘pag dumating ‘yung time na gusto namin,” ani Aiko. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

May dalawang anak si Aiko. Si Andrei Yllana na anak nito sa dating partner na si Jomari Yllana at si Marthena Jickain na anak nito sa dating asawa na si Martin Jickain. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

No matter what happens I love you both ❤️ @andreyllanaa @jickainmarthena ❤️❤️❤️ Happy bday kuya!

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

 

Bagama’t nagsimula bilang child star, umusbong ang karera ni Aiko Melendez noong late 80s hanggang early 90s.  

Taong 2017 nang muling ipamalas ni Aiko ang kanyang galing sa pag-arte sa teleseryeng “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador.