Paolo Contis, hirap magpapayat

The struggle is real para kay Paolo Contis.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/08/2020 01:02 PM
Paolo Contis, hirap magpapayat
Photo Credit: @paolo_contis Instagram

Mataba pa si Paolo Contis sa pelikulang Through Night And Day na naging trending movie noong July at nag-number one pa sa listahan ng mga Filipino movies sa Netflix for several days. Partner ni Paolo sa Through Night And Day na idinirek ni Veronica Velasco ang mahusay na aktres na si Alessandra de Rossi.

Sa Iceland kinunan ang pelikula na prinodyus ng Viva at minalas na hindi gaanong kumita noong ipinalabas ito sa mga sinehan last November 2018.

Ngayon ay mapapansin na ang unti-unting pagbabago sa itsura ni Paolo dahil halatang nabawasan na rin kahit papaano ang kanyang timbang. Ayon pa sa aktor, desidido siya talagang magpapayat kaya lang medyo nahihirapan siya dahil sanay siya na tuwing may pelikula lang na gagawin ay saka siya magda-diet.


“Ang hirap. Ako kasi pag may trabaho lang, saka lang ako nagdidiyeta. Kasi gusto ko mag-enjoy,” pahayag ng aktor.

Aminado rin si Paolo na hindi naiwasang bumigat ang kanyang timbang ngayong quarantine dahil walang ginagawa kung hindi kumain.

Aniya, “Siyempre ngayong quarantine, kumakain ka na nga, ’di ka pa gumagalaw. So habang lumalaki ka, nagmamanas ka. Yung paa ko nagmanas, eh.

“Sabi ko, sandali, kailangan ko na atang mag-diet at medyo may hingal na.”

“Juicing diet” ang ginagawa ni Paolo para bumaba ang kanyang timbang. Madalas din siyang mag-exercise.

“Importante na maging healthy tayo sa mga ganitong panahon para makaiwas na rin sa sakit at virus.

“It's the health more than the physical, weight, and everything. Mas gusto ko siyempre healthy. Siyempre malaking panlaban mo 'yan sa sakit, sa COVID, di ba,” lahad pa niya.

Samantala, bukod Through Night And Day ay ipinalabas din sa Netflix ang isa pa niyang peikula na ang title ay Ang Pangarap Kong Holdap. Nag-rank 5th din ito sa Netflix noong July.