• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz industry sa pagpanaw ng veteran movie producer na si Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala ng mga kaibigan bilang si “Manay Ichu.”

Pamilya ni Manay Ichu, may hiling sa mga kaibigan

Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz industry sa pagpanaw ng veteran movie producer na si Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala ng mga kaibigan bilang si “Manay Ichu.”

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/08/2020 08:10 AM
Pamilya ni Manay Ichu, may hiling sa mga kaibigan

Nagluluksa ngayon ang mundo ng Showbiz Industry sa pagpanaw ng veteran movie producer na si Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala ng mga kaibigan bilang si “Manay Ichu." 

Nitong Lunes, September 7, inanunsyo ng miyembro ng pamilya ng veteran movie producer ang kanyang pagpanaw dahil sa cardio respiratory failure. Siya ay 77 taong gulang.

Si Manay Ichu ay mula sa pamilya ng Sampaguita Pictures na kilalang movie producer sa Pilipinas na nagsimula noong 1930s.


Si Manay Ichu rin ang kilalang producer na nagpakilala ng pelikulang “Dyesebel” mula sa panulat ni Mars Ravelo.

Bukod sa pagiging producer, mas naging malapit sa mundo ng showbiz si Manay Ichu dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangang kasamahan sa industriya na naging simula para mabuo ang MOWELFUND.

At sa kanyang pagpanaw, nais pa rin na ipagpatuloy ng pamilya ni Manay Ichu ang pagtulong sa MOWELFUND.

“With great sadness, the Maceda family announces the passing of our beloved Mother, Maria Azucena “Marichu” Vera-Perez Maceda.

“She succumbed to cardio respiratory failure on September 7, 2020.  In lieu of flowers, donations may be made in her honor to MOWELFUND,” pahayag ng official statement.

Sa ngayon, nakalagak ang mga labi ni Manay Ichu sa Arlington Chapel A bago ang cremation anumang araw.