• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre, Kathryn Bernardo at iba pa, maghaharap harap para best actress award.

Manunuri ng Pelikulang Pilipino, nagbigay pahayag sa pag deadma kay Judy Ann Santos

Nadine Lustre, Kathryn Bernardo at iba pa, maghaharap harap para best actress award.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/08/2020 04:37 PM
Manunuri ng Pelikulang Pilipino, nagbigay pahayag sa pag deadma kay Judy Ann Santos
Photo Credit: @officialjuday Instagram

Inaalmahan ngayon ng fans ng aktres na si Judy Ann Santos ang tila hindi pagpansin ng Gawad Urian 2020 sa ipinakitang performance ng aktres para sa pelikulang Mindanao.

Kasunod ito nang paglabas ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng listahan ng mga nominado sa Gawad Urian para sa taong 2020 kung saan bahagi ang mga markadong aktor at aktres sa mga pelikulang napanood nitong nagdaang 2019.

READ: Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, maglalaban sa best actress sa Gawad Urian 2020


Sa ulat ng programang Cinema News nitong Setyembre 4, 2020, binigyang paliwanag ng bumubuo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang usapin na hindi pagkakabilang Juday sa gabay ng mga nominado sa pagka-best actress.

“Our standard answer is always the process of deliberation that we have to do and for this year, we considered 122 films, 13 shorts and 9 documentaries,“ pahayag ni Garry Davilles sa ulat.

“We were able to come up with a shortlist of 55 films last June and then last August it was reduced to 24 films, 6 documentary and 6 shorts (Film).”

Anila, hindi basehan ang aktor at aktres bilang batayan ng kanilang pagpili bilang bahagi ng nominasyon.

“So the deliberation should never be construed as an affront to any filmmaker or actors. It is just that the nature of deliberation will always lead to elimination of some films by the strong contenders,” bahagi pa ng statement.

Ayon ulat, pinag-aralan at dumaan anila sa masusing proseso ang pagpili ng Manunuri ng Pikulang Pilipino ang mga nominado sa Gawad Urian.

“Asking about Judy Ann's exclusion is tantamount to asking why the other 98 films were not included. I hope this helps and in the future we are organizing online forums where we can discuss our selections.”

Ang Mindanao ay isa sa mga pelikulang napanood sa 2019 Metro Manila Film Festival na nag marka lalo matapos masugkit ni Judy Ann Santos ang best actress sa 41st Cairo International Film Festival noong 2019.

READ: Judy Ann Santos, wins Best Actress at 41st Cairo International Film Festival

Sa ngayon, wala pang tiyak na detalye para sa awarding ceremony ng Gawad Urian 2020.