• Home
  • Fresh Scoops
  • May sarili nang bahay si Baninay Bautista at ang kanyang boyfriend na si Bont Oropel.

PANOORIN: Baninay Bautista, nagpa-house tour sa nabiling bahay

May sarili nang bahay si Baninay Bautista at ang kanyang boyfriend na si Bont Oropel.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/07/2020 11:38 PM
PANOORIN: Baninay Bautista, nagpa-house tour sa nabiling bahay
Screenshot from Baninay Bautista YouTube Channel

Nakapag-pundar na ng sariling bahay ang dating Pinoy Big Brother’ housemate at ngayo’y sikat na vlogger na si Baninay Bautista. 

 







View this post on Instagram







 

happy 1st anniversary my love 🖤 thank you sa pagpaparealize sakin na may lalaki pa palang kagaya mo dito sa mundo. Ü are the calm to my chaos, everything feels right pag kasama kita. siguro binigay ka sakin ni Lord kase kelangan ko ng tamang tao na paglalaanan ko ng pagmamahal. sayang lang kase di tayo magkasama ngayon magcelebrate huhuhu ☹️ i love you! more food trips, travels, ang late night movie marathon with ü 🙈🙏🏼


A post shared by BANINAY (@baninaybautista) on 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Baninay ang kanyang nabili nilang bahay ng kanyang partner na si Bont Oropel. 

WATCH: Baninay Bautista’s first vlog with boyfriend Bont Bryan Oropel

Aminado naman si Baninay na marami pang babaguhin sa kanilang bagong bahay dahil hindi pa ito naaayos. 

Sa naunang vlog nailabas niya noong Sabado, Setyembre 5, ipinakita ni Baninay ang naging transaksyon niya sa pagkuha ng Absolute Deed of Sale. 

READ: Baninay Bautista, nakabili na ng sariling van

“Ang surreal. Grabe. Hindi ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito agad-agad. Kasi hindi kami nag-house hunting. Hindi namin hinanap ‘yung bahay. Hindi kami nag-ipon for this. Wala sa pag-uusap namin na bumili kaming dalawa ng bahay,” ani Baninay. 

 







View this post on Instagram







 

Oppa-ngarap lang kita dati 🖤

A post shared by BANINAY (@baninaybautista) on 

 

Kwento pa ni Baninay, marami na silang nabiling lupa ni Bont dahil doon madalas napupunta ang perang kinikita nila. 

Nang tanungin kung bakit sila nagdesisyon na bumili ng bahay, sagot ni Bont: “Kasi gusto ko na po siya bahayin.” 

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba: 

Naging bahagi si Baninay ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7.