Harlene Bautista, ipinagdiwang ang unang ‘monthsary’ nila ng anak ni Kuya Germs

Nakahanap na rin ng love life si Harlene Bautista.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/07/2020 11:47 PM
Harlene Bautista, ipinagdiwang ang unang ‘monthsary’ nila ng anak ni Kuya Germs
Photo Credit: @harlenebau Instagram

Isang buwan nang magkarelasyon sina Harlene Bautista at si Federico Moreno, ang anak ng namayapang “Master Showman” na si German “Kuya Germs” Moreno.

Sa isang Instagram post, kinumpira ni Harlene ang relasyon nila ni Federico nang ibinahagi niya ang litrato mula sa pagdiriwang ng kanilang kauna-unahang monthsary. 

“Happy 1st month, my love. I never thought life would be sweet again. Thank you,” saad ni Harlene sa caption ng kanyang post. 


Si Moreno ang dating asawa ng kapatid ni Vina Morales na si Sheila Magdayao. Mayroon silang apat na anak.

2018 nang magulantang ang mundo ng showbiz matapos i-anunsyo nina Harlene at dati niyang asawa na si Romnick Sarmenta na tinuldukan na nila ang labinsiyam na taon nilang pagsasama. 

READ: Harlene Bautista reacts to Romnick Sarmenta’s rumored new relationship: ‘Good for him’

Samantala, Hunyo nitong taon naman nang kumpirmahin ni Romnick ang relasyon nito sa aktres na si Barbara Ruaro.

READ: Romnick Sarmenta finally confirms relationship with actress Barbara Ruaro

May limang anak sina Romnick at Harlene.