• Home
  • Fresh Scoops
  • Looking forward na rin si Yam Concepcion sa kaniyang upcoming project sa Kapamilya.

Yam Concepcion, mananatili sa bakuran ng ABS-CBN

Looking forward na rin si Yam Concepcion sa kaniyang upcoming project sa Kapamilya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/07/2020 12:06 AM
Yam Concepcion, mananatili sa bakuran ng ABS-CBN

Feeling blessed ang aktres na si Yam Concepcion sa pagpapatuloy pa rin ng kaniyang mga proyekto bilang isang Kapamilya.

Kasunod ito nang pagtatapos ng Love Thy Woman kung saan isa siya mga bahagi ng cast bilang si Dana Wong.

At ngayong magtatapos na ang proyekto markadong karakter, no muna daw ang sagot ni Yam sa mga offer ng trabaho mula sa ibang netwrok.


 







View this post on Instagram







 

Dana Wong ūüźÜ #LoveThyWoman Styled by: @rubrinas

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on 

 

May mga parang offers na guesting from other networks, pero hindi ko siya kinuha kasi I’m still under the Kapamilya Channel. So ayun, pinipili kong manatili as a Kapamilya,” sabi pa ni Yam sa digital kuwentuhan ng Love Thy Woman.

Aniya pa, hindi pa rin magtatapos ang kaniyang trabaho lalo pa at may bagong proyekto na dapat abangan sa kaniya.

 







View this post on Instagram







 

Meanwhile... #LTWkidnap #lizasoberanochallenge

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on 

 

Hindi ko alam kung puwedeng sabihin na ngayon, pero I’m working on something exciting,” ani Yam.

Sa kabila ng sitwasyon ng ABS-CBN, thankful si Yam sa mga opportunity na dumarating sa kaniya ngayon.

So ayun, nagpapasalamat ako sa Kapamilya, sa ABS-CBN, dahil kahit ganito iyong sitwasyon, may trabaho pa rin ako. Sobrang excited ako sa gagawin kong next project,” pahayag pa ng aktres.

Bukod sa kaniyang role sa Love Thy Woman, tumatak si Yam bilang si Jade Bartolome ang kontrabida hit Kapamilya series na Halik noong 2018.