• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Sharon Cuneta sa mga artistang malalapit kay Lloyd Cadena at sa grupong BNT.

Sharon Cuneta, nangakong gagabayan ang ‘BNT’ kasunod nang pagpanaw ni Lloyd Cadena

Isa si Sharon Cuneta sa mga artistang malalapit kay Lloyd Cadena at sa grupong BNT.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/06/2020 12:15 PM
Sharon Cuneta, nangakong gagabayan ang ‘BNT’ kasunod nang pagpanaw ni Lloyd Cadena
Photo credit: @reallysharoncuneta IG

Naging emosyonal si Sharon Cuneta nang bigyan niya ng pagpupugay ang namayapang YouTuber at malapit na kaibigang si Lloyd Cadena. 

Lingid sa kaalaman ng marami, naging malapit si Sharon kay Lloyd dahil sa LGBT group na BNT na aniya’y tinulungan siyang imulat ang kanyang mga mata sa kasiyahan sa gitna ng kahirapan. Kaya naman nagpasalamat ito sa BNT dahil sa naituro ng mga ito sa kanya. 

“Sa mga taong nagmulat sa aking mga mata sa kasiyahan sa gitna ng kahirapan at iba pang struggles sa buhay...all of you and Lloyd humbled me more and inspired me, and you will continue to. Salamat, BNT. Mahal ko kayo,” ani Sharon.


READ: Vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na

Nangako naman si Sharon sa na gagabayan niya ang BNT kasunod nang pagpanaw ni Lloyd. 

“Nawala man si Kuya Lloyd niyo, nandito pa ako para gabayan kayong lahat. Mahal ko kayo. Huwag na huwag nyo kalimutan ang mga turo ng Kuya Lloyd niyo sa inyo para mapabuti at umasenso lahat ang mga buhay niyo. God bless all of you. Pakialagaan si Mother Kween mga anak. Mahigpit na yakap to her from me, at sa inyong lahat.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sa mga taong nagmulat sa aking mga mata sa kasiyahan sa gitna ng kahirapan at iba pang struggles sa buhay...all of you and Lloyd humbled me more and inspired me, and you will continue to. Salamat, BNT. Mahal ko kayo. Nawala man si Kuya Lloyd niyo, nandito pa ako para gabayan kayong lahat. Mahal ko kayo. Huwag na huwag nyo kalimutan ang mga turo ng Kuya Lloyd niyo sa inyo para mapabuti at umasenso lahat ang mga buhay niyo. God bless all of you. Pakialagaan si Mother Kween mga anak. Mahigpit na yakap to her from me, at sa inyong lahat. @baklangtaonprod @bnt_limuel @bnt_gm @bnt_andrew @bnt_aye @bnt_jeco @themadamely @iamaivanreigh @joevincatubig

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Nang malaman ang pagpanaw ni Lloyd, nag-iwan ng mahabang mensahe si Sharon sa kanyang “anak-anakan” sa Instagram.

Oh my gosh...When my dog Bella arrived here and was immediately brought to the Vet, and even after she arrived back home, I was in deep sleep. I then attended to her the minute I woke up, and as you know posted videos of her. Imagine my shock when on my IG feed, popped out the news about Lloyd Cadena’s unexpected passing! Lloyd was one of my ‘anak-anakans.’ Hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sa ‘yo sa bagong bahay mo. Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi. Di ka na tuloy nabigyan ng gift nitong ‘Inay’ mo,” kwento niya.

Dagdag pa ni Sharon, bilib siya sa pagiging ehemplo ni Lloyd sa mga kabataan at pagiging mabuting anak nito sa kanyang mga magulang.

Aniya: “Thank you Lloyd, sa magandang ehemplo mo sa mga kabataan at sa dami ng natulungan mo. Mamimiss ko ang pagtetextan natin. May COVID pa, di ba dapat ilalabas ko pa kayo ng BNT after tapos pala, iiwan mo kami ng maaga...Jusko nakakagulat naman. Thank you anak. Sabi ko sa ‘yo kaya ako natuwa sa ‘yo at napamahal ka sa akin ay dahil sa nataunan ko lang na vlog mong isa, napapanood ako ng madami at doon ko nakita ang pamumuhay nyo araw-araw? Tapos sobrang bilib ako sa ‘yo dahil sa pagmamahal at pagrespeto mo sa Mommy at Daddy mo. Sabi ko kaya ka bine-bless ni Lord ay kasi mabuti ka na ngang anak, blessing ka pa sa nakakarami.” 

READ: Celebrities mourn death of vlogger Lloyd Cafe Cadena

Pagpapatuloy pa ni Sharon, hinding-hindi niya makakalimutan si Lloyd lalo pa’t nagpakita ito ng pawang kabutihan lamang noong nabububuhay pa ito. 

I will miss you, Lloyd. Salamat sa sayang dinulot ng vlogs mo sa akin na lagi kong sinasabi sa ‘yo, lalo nung low na low si Inay at sobrang hurt at sad ako...Thank you also kasi dahil sa ‘yo, minahal ko rin ang BNT. Wala namang nakakaalam na magkatext tayo o kami nila Limuel at MG...pero hinding-hindi kita makakalimutan. At gusto ko malaman ng lahat ngayon na mahal kita anak. Madaming nagmamahal sa ‘yo at di ka rin makakalimutan. Sa BNT, nandito lang si Inay niyo ha kahit wala na ang Kuya Lloyd niyo...Rest in peace, dear Lloyd...sana ay madami pang tumulad sa pinakita mong kabutihan ng puso mo sa kapwa at sa magulang...I love you anak...I will really, really miss you,” ani Sharon. 

https://www.instagram.com/p/CEtl8pBnbwA/

Ang BNT ay binubuo nina Ariel, Limuel, Jessica, Bebang, George, Jerico, Andrew, at Joevin.

https://www.youtube.com/watch?v=lLEW7ynoDkQ

Samantala, ibinahagi naman ng anak ni Megastar na si Frankie Pangilinan ang closeness ng kanyang ina sa namayapang YouTuber. 

https://push.abs-cbn.com/2020/9/5/fresh-scoops/mariah-carey-pens-message-for-longtime-fan-lloyd-c-231370

Ani Kakie, bagama’t hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mas lubusang makilala si Lloyd, alam niya kung gaano karami ang napasaya nito dahil nakita niya kung paano ito naging mabuting kaibigan sa kanyang ina. 

“I feel I’m not able to say anything of worth for @lloydcadena because I never had the pleasure of meeting him, but he’s been a great friend to my mumma for the last few months and I know how much joy and light he brought into this world. What a soul. May he rest easy.”

Dagdag pa ni Frankie, naniniwala siyang hindi makakalimutan ng mga tao si Lloyd lalo pa’t nagdala ito sa munod ng kasiyahan. 

His content was always very deeply touching and I think that’s indicative of his audience and how he taught us about the things we need to change with kindness and love and plenty of nontoxic positivity. His legacy remains intact,” saad nito. 

Pumanaw si Lloyd noong Biyernes, Setyembre 4.