• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Gumabao, hindi raw nag-set ng kahit anong limitasyon para sa pelikulang ‘Lockdown’.

Paolo Gumabao bibida sa mapangahas na ‘Lockdown’ ni Direk Joel Lamangan

Paolo Gumabao, hindi raw nag-set ng kahit anong limitasyon para sa pelikulang ‘Lockdown’.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/06/2020 11:17 AM
Paolo Gumabao bibida sa mapangahas na ‘Lockdown’ ni Direk Joel Lamangan
Photo credit: @paologumabao IG

Magbibida na sa kauna-unahang pagkakataon sa pelikulang pinamagatang Lockdown si Paolo Gumabao, ang half-brother nina Michelle at Marco Gumabao sa amang si Dennis Roldan na dating aktor at kongresista.

Sa dami ng mga nag-audition noong August 20 para sa Lockdown ng FLA Films ay si Paolo ang masuwerteng napili para maging bida. Ang Lockdown ay mapangahas na kuwento ng isang Pilipinong nagipit at biktima ng karahasan sa lipunan sa panahon ng pandemya.

Si Joel Lamangan ang magdidirek ng pelikula mula sa script ni Troy Espiritu na nagsulat ng internationally acclaimed films na Ma Rosa at Alpha: The Right To Kill.


Ayon sa line producer ng FLA Films na si Dennis Evangelista, ang Lockdown ang magiging most daring film ni Paolo mula nang pasukin niya ang pag-aartista. Hindi raw nag-set ng kahit anong limitasyon ang binata sa nudity at sex scenes na gagawin sa pelikula.

Makakasama ni Paolo sa Lockdown ang Asia Pacific Screen Award Best Actress para sa pelikulang Verdict na si Max Eigenmann, Jim Pebanco, Ruby Ruiz, Angellie Nicholle Sanoy at marami pang iba.

Huling napanood si Paolo sa iWant Original series na Mga Batang Poz na idinirek ni Chris Martinez noong 2019. Kasama ni Paolo sa web series kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Enzo na isang young gay na nagkaroon ng HIV sina  Awra Briguela, Mark Neumann, at Fino Herrera.

Naging bahagi rin siya noon ng ABS-CBN morning series na Oh My G! na pinagbidahan ni Janella Salvador at 2015 MMFF movie na Haunted Mansion ng Regal Entertainment.