• Home
  • Fresh Scoops
  • Bumuhos ang luha ni Pokwang nang ikuwento ang tungkol sa dating yaya ng kanyang anak ni Malia.

PANOORIN: Pokwang, naging emosyonal sa pag-alis ng yaya ng anak na si Malia

Bumuhos ang luha ni Pokwang nang ikuwento ang tungkol sa dating yaya ng kanyang anak ni Malia.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/06/2020 02:14 PM
PANOORIN: Pokwang, naging emosyonal sa pag-alis ng yaya ng anak na si Malia
Screenshots from PokLee Cooking Official YT Channel

Hindi napigilan ng komedyanteng si Pokwang ang pagbuhos ng kanyang luha matapos ikwento na hindi na makakabalik ang yaya ng anak nitong si Malia. 

Sa kanyang bagong vlog kung saan ipinakita ni Pokwang kung paano niya sinalubong ng kanilang pamilya ang bagong miyembro ng kanilang tahanan, ikinuwento nito kung bakit pinaparamdam niya sa kanilang mga kasambahay ng parte sila ng kanilang pamilya. 

“Ang daming naging epekto nitong #pandemic na to sa ating lahat, at siyempre sa pamilya namin, may mga bagay at tao na kailangan namin i-let go para sa ikabubuti nila. Gayunpaman, may mga bagong tao din tayong wine-welcome sa ating bahay at gusto din naman namin na maramdaman nila na parte sila ng aming pamilya,” kuwento ni Pokwang.

Ngunit hindi rin napigilang maging emosyonal ni Pokwang nang ikuwento na hindi na makakabalik sa kanilang tahanan ang Yaya Gina ng kanyang anak ni Malia. 

Matatandaang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram noon na pinauwi niya ang kanyang mga kasambahay bago magsimula ang pandemya.

“Nagdecide ako na pauwiin sila kahit hindi siya nagsasabi. But I can feel as a mother. I understand. And alam ko ‘yung nag-aalala sila sa pamilya nila especially Yaya Gina. Meron siyang three years old na anak. Mas matanda lang kay Malia ng halos one year,” kwento ni Pokwang. 

Saad naman ng asawa nitong si Lee: “We like Gina. Gina is a good yaya. She’s very thoughtful, very hands on to Malia. And you know, we can really trust her. She’s just really focused on taking care of Malia. It made us really feel comfortable and it gave us assurance that if we were seeing Malia and watching her, at least we know she is good hands being taken care of.

Gayunpaman, naiitindihan niya ito dahil may malilit din itong mga anak. Ngunit sinigurado naman ni Pokwang na bukas ang kanyang tahanan para sa kanya. 

“Nakakalungkot kailangan namin tanggapin na hindi na makakabalik si yaya Gina ni @malia_obrian dahil kailangan nya tutukan mga maliit nyang anak sa ilalim ng pandemia na ito at nauunawaan ko naman bilang isang ina. Maraming salamat yaya Gina.... bukas lagi ang aming tahanan para sa ‘yo,” saad ni Pokwang. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Ani Pokwang, dumating si Yaya Gina sa buhay nila noong limang buwang gulang pa lamang ang anak nila ni Lee O’Brian.