• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagluluksa man ang buong Pinoy vlogging community, tinupad naman ni Ivana Alawi ang huling hamon sa kaniya ng namayapang si Lloyd Cadena.

Ivana Alawi, tinupad ang huling hamon sa kaniya ni Lloyd Cadena

Nagluluksa man ang buong Pinoy vlogging community, tinupad naman ni Ivana Alawi ang huling hamon sa kaniya ng namayapang si Lloyd Cadena.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/06/2020 02:10 PM
Ivana Alawi, tinupad ang huling hamon sa kaniya ni Lloyd Cadena
Photo credit: Ivana Alawi FB Page

Isang pambihirang pagpupugay ang ginawa ng vlogger at sexy actress na si Ivana Alawi para sa namayapang kaibigan na si Lloyd Cadena.

READ: Vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi Ivana ang kaniyang pagtanggap sa hamon at hiling sana na collaboration nila ni Lloyd na maglinis ng isang bus.


“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request niya, magcarwash kami ng bus together,” post ni Ivana sa kaniyang Facebook page.

Bilang isa sa mga kasamahan sa vlogging community, batid ni Ivana ang kalungkutan sa biglaang pagkawala ni Lloyd na isa sa pinaghuhugutan ng kaligayahan ng karamihan sa panahon ng kalungkutan.

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito,” ani Ivana.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Carwash girls sa Bagong Bahay ❤️💖 May hahamon pa ba? 😂🤣

A post shared by Lloyd Cafe Cadena (@lloydcafecadena) on

At sa pagtupad sa huling hamon ni Lloyd, isang pangako rin na pagtulong ang handog ni Ivana.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko,” sabi pa niya.

Patuloy pa niya: “Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire. Kween LC isa ka sa pinaka original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.

“REST IN PARADISE”