• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Kakai Bautista na maraming beses silang pinalayas noon sa mga nirentahan nilang bahay.

‘Dalawang dekada akong nangarap’: Kakai Bautista, nakagpundar na ng sariling bahay

Ibinahagi ni Kakai Bautista na maraming beses silang pinalayas noon sa mga nirentahan nilang bahay.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/06/2020 02:12 PM
‘Dalawang dekada akong nangarap’: Kakai Bautista, nakagpundar na ng sariling bahay
Photo credit: @ilovekaye IG

Matapos ang maraming taong pangungupahan, nakapagpatayo na ang komedyanteng aktres na si Kakai Bautista ng bahay para sa kanyang pamilya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

𝙽𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚖𝚎 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚛𝚘𝚘𝚗 𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚛𝚒𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢. 𝚂𝚊 𝙻𝚊𝚝𝚎𝚜𝚝 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚟𝚕𝚘𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚜𝚒𝚕𝚒𝚙 𝚔𝚘 𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚑𝚊𝚗𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗. 𝙳𝚒 𝚙𝚊 𝚜𝚢𝚊 𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚒𝚙𝚊𝚙𝚊𝚢𝚘𝚜 𝚔𝚘 𝚙𝚊 𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚗𝚝𝚎𝚛𝚒𝚘𝚛 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚛𝚘𝚘𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚍𝚎𝚖𝚒𝚊. 𝙾𝚘 𝚗𝚊𝚕𝚞𝚗𝚐𝚔𝚘𝚝 𝚊𝚔𝚘 𝚔𝚊𝚜𝚎 𝚍𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚕𝚒𝚙𝚊𝚝 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚖𝚎 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚔𝚘 𝚖𝚊𝚢 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚜𝚒 𝙻𝙾𝚁𝙳 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚍𝚒 𝚙𝚊 𝚜𝚊 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗. 𝙰𝚝 𝚗𝚊𝚗𝚒𝚗𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚕𝚒𝚙𝚊𝚝 𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊 𝚔𝚘 𝚍𝚒𝚝𝚘! 𝚂𝚒 𝙻𝙾𝚁𝙳 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚐𝚊𝚠𝚊 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚊𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚙𝚊𝚍 𝚢𝚞𝚗. 𝙳𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚗𝚊 𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚒𝚗𝚞𝚙𝚊𝚍 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚔𝚘.❤️🌈 𝙰𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚜 𝚗𝚐 @jollibee 𝙹𝙾𝙻𝙻𝙸𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚊𝚝𝚎 𝚄𝚐𝚎, 𝚎𝚗𝚍𝚘𝚛𝚜𝚎𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚔𝚘.😁💃🏼 𝙺𝚊𝚢𝚊, 𝙹𝙱 𝙷𝙾𝚄𝚂𝙴 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚠𝚊𝚐 𝚔𝚘 𝚍𝚒𝚝𝚘. 𝚍𝚒 𝚙𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊 𝚙𝚊 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚕𝚘𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚔. 𝚂𝚞𝚐𝚘𝚍 𝚕𝚊𝚗𝚐, 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚔𝚊𝚜𝚎 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚞𝚑𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚒𝚝𝚘. 𝙰𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚜𝚒𝚜𝚒𝚔𝚊𝚙𝚊𝚗. 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚢𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚎𝚜𝚎𝚜 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚕𝚊𝚢𝚊𝚜 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚛𝚎𝚗𝚝𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗, 𝚍𝚞𝚖𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚙𝚘𝚒𝚗𝚝 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚕𝚢𝚎 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚖𝚒 𝚝𝚒𝚝𝚒𝚛𝚊. 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝙽𝙰𝙿𝙰𝙺𝙰𝙱𝚄𝚃𝙸 𝙽𝙸 𝙻𝙾𝚁𝙳. 𝟸 𝚍𝚎𝚔𝚊𝚍𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊 𝚔𝚘. 𝚆𝚊𝚐 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚒𝚗 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚗𝚊𝚛𝚊𝚛𝚊𝚗𝚊𝚜𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚝𝚎𝚗 𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚛𝚞𝚜𝚊, 𝚔𝚞𝚗𝚐𝚍𝚒 𝙱𝚕𝚎𝚜𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚝𝚒𝚋𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝙵𝙰𝙸𝚃𝙷. 𝚂𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚋𝚊𝚜𝚊 𝚗𝚒𝚝𝚘, 𝚆𝙰𝙻𝙰𝙽𝙶 𝙳𝙴𝙰𝙳𝙻𝙸𝙽𝙴 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙! 𝙺𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚐𝚎 𝚖𝚘, 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚊𝚗𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚝𝚠𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚋𝚊𝚜𝚝𝚊 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚝𝚞𝚙𝚊𝚍! 𝚃𝙸𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚜𝚊𝚛𝚒𝚕𝚒 𝚊𝚝 𝚃𝚒𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚔𝚊𝚢 𝙻𝙾𝚁𝙳! 𝚢𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚏𝚘𝚛𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚖𝚘. 𝙰𝚝 𝚝𝚊𝚗𝚍𝚊𝚊𝚗 𝚖𝚘, 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚞𝚔𝚞𝚑𝚊 𝚖𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚋𝚒𝚕𝚒𝚜 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚒𝚗𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚠𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚋𝚒𝚕𝚒𝚜!! 𝚃𝙷𝙰𝙽𝙺 𝚈𝙾𝚄 𝙻𝙾𝚁𝙳 𝚏𝚘𝚛 𝙴𝚅𝙴𝚁𝚈𝚃𝙷𝙸𝙽𝙶.❤️ 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞 𝚄𝙽𝙸𝚅𝙴𝚁𝚂𝙴! 𝙰𝚓𝚊!! 𝙻𝙰𝚅𝙰𝚁𝙽!!💃🏼 *𝚕𝚊𝚝𝚎𝚜𝚝 𝚟𝚕𝚘𝚐: 𝚕𝚒𝚗𝚔 𝚘𝚗 𝚖𝚢 𝚋𝚒𝚘* #𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕𝚍𝚒𝚟𝚊 #𝙶𝚘𝚍𝚒𝚜𝙶𝚘𝚘𝚍𝙰𝚕𝚕𝚃𝚑𝚎𝚝𝚒𝚖𝚎 #𝙹𝙱𝙷𝚘𝚞𝚜𝚎

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye) on


Proud na ibinahagi ni Kakai Bautista sa kanyang bagong vlog ang kanyang napatayong bahay na aniya’y matatawag niyang sarili niyang tahanan.

Kwento ni Kakai, naantala ang paglipat nila dulot ng pandemya. Ngunit sa kabila nito, naniniwala siyang may dahilan ang lahat ng ito.  

“Ngayon lang kame nagkaroon ng sarling bahay. Sa latest vlog ko, pinasilip ko itong munting tahanan namin. Di pa siya tapos dahil ipapaayos ko pa sana ang interior kung hindi nagkaroon ng pandemya. Oo nalungkot ako kasi dapat nakalipat na kame pero alam ko may dahilan si Lord kung bakit di pa sa ngayon,” ani Kakai. 

READ: Kakai Bautista officially launches own YouTube channel

Dagdag pa niya: “At naniniwala ako na makakalipat din ang pamilya ko dito. Si Lord ang bahala dahil siya ang gagawa ng paraan para matupad ‘yun. Dahil napakarami na niyang tinupad sa mga pangarap ko.”

Pagpapatuloy pa ng apatnapu’t-dalawang taong gulang na aktres, bunga ito ng isa sa mga proyekto kung saan nakasama niya ang kapwa komedyanteng si Eugene Domingo. 

Bagama’t hindi pa tapos bayaran ang ito, naniniwala si Kakai na magagawaan niya rin ito ng paraan. 

“Ang bahay na ito ay katas ng Jollibee Jolliserye with Ate Uge, endorsement ko. Kaya, JB house ang tawag ko dito. Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi along kong pagtatrabahuhan ko ito at pagsisikapan,” saad niya. 

Hindi naman napigilan ni Kakai ang balikan ang dinanas na paghihirap noon at ikinuwento na maraming beses na sila pinalayas ng kanyang pamilya noon. 

READ: Kakai Bautista reveals she cried in the bathroom because of bullying

“Gusto kong malaman niyo na napakaraming beses na kami napalayas sa mga narentahan namin. Dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira. Pero napakabuti ni Lord. 2 dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan na nararanasan natin ay parusa kungdi blessing na magpapatibay sa atin at sa ating faith,” kwento ni Kakai. 

Nagbigay naman ng mensahe si Kakai sa mga taong kagaya niya ay minsan lang ding nangarap na magkaroon ng sariling bahay. 

“Sa mga nakakabasa nito, walang deadline ang pangarap. Kahit anong age mo, kahit anong sitwasyon mo, basta gusto mong paghirapan ay matutupad. Tiwala sa sarili at tiwala kay Lord. ‘Yan ang formula na kailangan mo. At tandaan mo, lahat ng bagay na nakukuha mo ng mabilis kapag di mo inalagaan ay mawawala din ng mabilis,” saad ni Kakai. 

Panoorin ang vlog ni Kakai kung saan binigyan niya ng tour ng kanyang mga fans sa ibaba: 

Sa kanyang vlog, binalikan din ni Kakai ang bahay kung saan siya lumaki at ang kasalukuyang bahay na tinitirhan ng kanilang pamilya. 

Nangako naman si Kakai na ipapakita niya ulit sa mga susunod niyang vlog ang bahay niya kapag maayos na ito.